BEIJING – Hindi tinatanggap at kinikilala ng China ang desisyon ng UN-backed tribunal sa argumento sa Filipinas kaugnay sa South China Sea, pahayag ng official Xinhua news agency kahapon.
Ang komento sa brief dispatch na hindi tinukoy ang pinagmulan, ay kasunod nang desisyon ng Permanent Court of Arbitration sa The Hague, na ang China ay walang historic rights sa tinagurian nilang “nine-dash line.”
Nitong Martes, ibinasura ng mga hukom ng arbitration tribunal sa The Hague, ang pahayag ng China na sila ay may economic rights sa large swathes ng South China Sea, sa desisyong itinuturing na tagumpay para sa Filipinas.
“There was no legal basis for China to claim historic rights to resources within the sea areas falling within the nine-dash line,” ayon sa korte, tumutukoy sa ‘demarcation line’ sa 1947 map of the sea, na mayaman sa enerhiya, mineral at fishing resources.
Sa 497-page ruling, nabatid din ng mga hukom na nanganganib na mabangga ng Chinese law enforcement patrols ang Philippine fishing vessels sa ilang bahagi ng karagatan, at nagdulot ng mga pinsala sa coral reefs sa kanilang construction work. (Reuters)