Monday , December 23 2024

Bongbong pursigido sa electoral protest

TINIYAK ni Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.,  kahapon,  ipagpapatuloy niya ang kanyang electoral protest laban kay Vice President Leni Robredo.

“Be assured that I will not stop until I show you the extent of the disenfranchisement and fraud committed in the last elections. This is for truth. This is for honest and credible elections. This is for our country’s future. This is for every Filipino,” pahayag ni Marcos.

Inihayag ito ni Marcos makaraan sabihin ng Supreme Court, bilang Presidential Electoral Tribunal, na maglalabas na ng desisyon kaugnay sa electoral protest ni Marcos.

Nauna rito, sa media briefing, sinabi ni SC Public Information Office chief at spokesman Theodore Te: “The tribunal will issue a resolution on this matter in due course.”

Gayonman, wala na siyang ibang sinabi na ano mang detalye kaugnay sa kaso.

Welcome kay Marcos ang nasabing development.

“With the Presidential Electoral Tribunal acting on my election protest, I join the Filipino people in awaiting for a speedy, fair and objective trial to ensue,” aniya.

“Every citizen of this country deserves to know the truth and together we will uncover and expose what truly happened to our votes in the May 9 elections,” dagdag niya.

Natalo si Marcos ni Robredo sa slim majority vote nang mahigit 60,000 votes sa final and official tally ng Kongreso na naupo bilang National Board of Canvassers.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *