CAGAYAN DE ORO CITY – Malalagay sa panganib ang buhay ng itinuturing na big time drug dealers kung magpapatuloy sa kanilang ilegal na gawain sa Ozamiz City.
Ito ang banta ni Ozamiz City Mayor Reynaldo Áldong Parojinog Jr., sa tinatayang 2,000 drug pushers at users na unang sumuko sa kanya mula sa siyam na barangay nitong nakaraang linggo.
Sinabi ng tagapagsalita ni Parojinog na si Elena Pelare, muli nilang papanumpain ang drug dependents sa harap mismo ng city prosecutor’s office upang matiyak na hindi na babalik sa ilegal na gawain.
Ginawa ito ni Parijinog sakaling mapatunayan na bumalik sa pagtutulak at paggamit ng droga ay ipaaaresto na at sasampahan ng kaso.
Sinasabing ipapatumba rin ni Parojinog sa death squad ang big time drug dealers kapag nagkunwari lamang na nagbago para lamang lubayan ng Philippine Drug Enforcement Agency operatives.
Una rito, mariing itinanggi ni Parojinog na nasangkot sa droga ang kanilang pamilya taliwas sa ibinulgar ni Pangulong Rodrigo Duterte na may koneksiyon kay Mindanao drug triad Herbert Colangco.