Friday , November 15 2024

Over printing ng tax stamps iniimbestigahan

KASALUKUYAN nang iniimbestigahan  ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang napaulat na sobra-sobrang pag-iimprenta ng tax seals para sa sigarilyo at alak na  umano’y ginagamit ng smugglers upang  maipuslit at maibenta ang kanilang kontrabando sa lokal na pamilihan.

Mismong si BIR Comissioner Caesar Dulay ang pinagkatiwalaan ni Presidential Communications Office Sec. Martin Andanar na humawak ng imbestigasyon sa usaping nagsasangkot sa National Printing Office (NPO) and Apo Productions Unit Inc., itinuturong responsable sa labag na batas na produksyon at pamamahagi ng  tax stamps.

“BIR is doing it. Comm. Dulay,” ang sagot ni Sec. Andanar.

Nauna rito, ipinag-utos na rin ni Sec. Andanar ang agarang pag-audit sa National Printing Office at ang Apo Productions Inc., upang madetermina ang grupong nasa likod ng overprinting ng mga selyo ng BIR.

Sinasabing ang overprinting ng tax seals ay isinagawa ng isang indibiduwal na nasa loob ng NPO.

Sakali aniyang mapatunayang totoo, mananagot ang mga nasa likod ng nasabing anomalya.

Ang NPO at APO ang natokahang mag-imprenta ng lahat ng mga opisyal na dokumento ng pamahalaan.

Ang mga opisinang ito ay inilagay sa ilalim ng Presidential Communications Office o PCO na pinamumunuan ni Andanar.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *