Thursday , December 26 2024

Now Playing Myrtle, a dream come true kay Sarrosa

00 SHOWBIZ ms m“TRULY a dream come true.” Ito ang tinuran ni Myrtle Sarrosa ukol sa mga taong naniwala sa kanyang kakayahan sa pagsulat ng mga kanta. Hindi kasi makapaniwala si Myrtle na ini-release na ang kanyang album na Now Playing Myrtle sa ilalim ng Ivory Music and Video.

Kaya naman noong launching ng Now Playing Myrtle, kitang-kita ang excitement sa dating Pinoy Big Brother Teen Edition housemate.

Ani Myrtle, ”Truly a dream come true to find so many people who believe in my songwriting skills. Still unbelievable that my album is finally out and that now my voice can finally be heard. Thank you for the continuous support. Hope you can get the chance to listen to my original tracks.”

Ang musika ni Myrtle ay halong ballad, pop, RnB, dance, rap na may tunog at impluwensiya ng hiphop. Nagawa ang musikang ito sa tulong at gabay ng kilalang music producer na si Jonathan Ong.

Tiyak na magugulat ang lahat kapag narinig ng lahat ang 9-tracck OPM fusion album ni Myrtle dahil ipinakita niya rito ang husay at galing niya sa pagra-rap bukod pa sa pagko-compose.

Aminado si Myrtle na hindi ganoon kadali ang magsulat ng kanta. ”Kailangan ng kritikal na pag-iisip at pagkuha ng mga opinion ng ibang tao,” anang UP graduate ng Mass Communication.

Sinabi pa ng 21 taong gulang na si Myrtle na umabot ng 21 araw ang ginawang pagsulat na produkto ng kanyang mga karanasan sa buhay. ”It’s basically in a nutshell,”sambit pa ng dating cosplayer.

Nakapaloob sa album ang lyric video ng Mr. Pakipot, na siyang carrier single, Label na nagtatampok kay Abra,Still Love Me, Sabi Nila,  Heartbroken, Nasaan Ka Na? Tadhana, at Ngayon.

Ang awiting Ngayon ay itinuturing niyang ‘fight song’ dahil ito raw ay may dalang napakahalagang mensahe. ”Ito ay tungkol sa pagtitiwala sa iyong sarili at gawin ang iong makakaya para sundin ang iyong mga pangarap sa kabila ng ibang mga taong nagsasabi sa iyo na hindi mo kaya…kung paano ako ay nasiraan ng loob na isulat ang aking sariling mga kanta ngunit ipinagpatuloy ko ang paghahanap ng aking sariling tunog at estilo,” giit pa ni Myrtle.

Bukod sa pagkakaroon ng album, isang dream come true rin na makatrabaho niya si Abra.

Abangan si Myrtle sa Hulyo 14, 11:00 p.m. saZirkoh,Tomas Morato kasama ang Hotlegs para iparinig ang kanyang mga awiting isinulat. Ito ay hatid ng Megasoft, I Love Sisters, Zirkoh, at Ivory Music and Video.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *