Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Luis, aminadong bastos siya at palamura

00 SHOWBIZ ms mAMINADO si Luis Manzano na bastos at palamura siya. Sinabi niya ito sa presscon ng Minute To Win It na magbabalik sa TV sa Hulyo 18 sa ABS-CBN.

Sinabi ito ni Luis kasunod ng tanong sa kanya kung hindi ba siya nati-threaten sa mga baguhang host.

Ani Luis, “kanya-kanyang putahe lang ang pagho-host. You have Toni (Gonzaga), Bianca (Gonzales), Mariel (Rodriguez), Billy (Crawford), kanya-kanyang offering lang ‘yan eh. That’s the reason why I don’t do beauty pageant hosting. Can you imagine ang dami nang nai-offer sa aking beauty contest. That’s not my strength. Maba-bash ako the very next day.

“I would say something not appropriate, they might find not appropriate for them.”

Iginiit pa ni Luis na, “Hindi ko inilalagay ang sarili ko sa pedestal. Bastos ako, palamura ako, lahat-lahat.

“Everything my parents are I’m the exact opposite. Never akong nagmalinis. Please sa mga nagsasabi, may basher ka, I don’t believe in the high road. Gantihan tayo, make sure na mas malakas ka sa akin.

“Hindi ako nagmamalinis. Sabihin nila ang bait-bait mo. Hindi po, masama ugali ko, I swear I mean that from my heart. Hindi po ako nagbabait-baitan, nagpapaka-plastic. Sorry for this. Gago ako, masama po ako, palamura ako, lahat ng ‘yan sa akin po ‘yan nanggaling.”

Samantala, ikaapat na hosting job na ni Luis ang Minute To Win It, ang sinasabing pinaka-exciting game show sa bansa dahil dala nito ang mas pinasaya at mas kaabang-abang na challenges na magpapanalo sa hapon ng bawat pamilyang Filipino.

Matitinding labanan din ang masasaksihan kada hapon araw-araw dahil sa edisyon ng Minute To Win It na Last Man Standing na mag-uuwi ng malaking premyo ang matitirang matibay.

Ang player na makakakuha ng pinakamalaking cash prize ang maglalaro sa Ultimate Challenge na magkakaroon ng pambihirang pagkakataon para sa jackpot prize na P1-M na posible pang umabot sa P2-M. Kaya tutok na sa Minute To Win It na magsisimula sa July 18.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …