Friday , November 15 2024

Diskusyon sa Federalismo paiigtingin ng PDP-Laban

LALONG paiigtingin ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) ang pagpapaunawa sa mga mamamayan sa Federalismo sa anim na Round-Table Discussion (RTD) na magsisimula sa Agosto 4 sa Executive House, University of the Philippines sa Diliman, Quezon City.

Ayon kay PDP-Laban Policy Study Group Head Jose Antonio Goitia, lalahok sa diskusyon o RTD ang kinatawan ng mga bansang may karanasan sa Federalismo tulad ng Switzerland at Germany sa Agosto 4 na tatalakayin ang layunin ng matagumpay na sistema ng gobyerno tulad ng desentralisasyon, epektibo at episyenteng pagkakaloob ng serbisyo at makatuwiran at pantay na hatian sa kayamanan ng bawat estado.

Ani Goitia, chairman din ng PDP-Laban Membership Committee National Capital Region Council, lalahok din sa mga susunod na RTD ang mga kinatawan ng United States at Spain (Agosto 18), Canada at Australia (Setyembre 8), Malaysia at India (Seyembre 22), Brazil, Mexico, Argentina, at Venezuela (Oktubre 6 October) at South Africa, Ethiopia, at Nigeria (Oktubre 27).

Idiniin ni PDP-Laban NCR Council President Abbin Dalhani na mahalagang maipaliwanag ang karanasan sa Federalismo ng nasabing mga bansa lalo sa punto ng representasyon sa epektibong pagpili ng mga lider at mabuting pamamahala at administrasyon para maiwasan ang korupsiyon.

Tinukoy din ni Dalhani ang mga posibleng maging estado sa ilalim ng pamahalaang Federal tulad ng Northern Luzon, Central Luzon, Visayas, Davao Gulf, ARMM, Sulu at Tawi-tawi at National Capitol Region.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *