JAKARTA – Naniniwala ang Indonesia na hawak ng Abu Sayyaf ang tatlong Indonesian sailors na dinukot nitong Sabado sa Celebes Sea.
Sinabi ni Indonesian intelligence agency chief Sutiyoso, ang tatlo ay nagtatrabaho sa isang Malaysian fishing boat nang dukutin ng armadong mga suspek.
Ayon kay Sutiyoso, nakikipag-ugnayan na sila sa Filipinas upang matukoy kung saan dinala ng Abu Sayyaf ang hostages.
“We are still investigating this case and continue to coordinate with the related institutions in the Philippines to find the location where the three hostages are being held,” ani Sutiyoso. “We suspect that the hostages are held by a militant group which is part of the Abu Sayyaf network.” (AP)