NAGHAIN si Senador Panfilo Lacson ng panukalang naglalayong pahintulutan ang wiretapping sa mga sangkot sa illegal drug trade, money laundering, kudeta at iba pang mga krimen, na magiging banta sa seguridad ng bansa.
Ang Senate Bill 48 ni Lacson ay naglalayong amyendahan ang Republic Act 4200, upang maisama ang ilang krimen na ang wiretapping ay magiging legal sa ilang sirkumtansiya.
“Wiretapping, though limited in its applications, has been an effective tool by our law enforcement agencies against criminal elements who have wreaked havoc, instability and lack of equanimity in our country to the detriment of many of our peace-loving citizens,” pahayag ni Lacson nitong Linggo.
Idinagdag niyang ang Anti-Wiretapping Law ay dapat amyendahan dahil hindi nito sakop ang ilang krimen “which put not only the lives and property of our people in paramount danger, but also pose a grave threat to our nation’s security.”
Kabilang sa mga krimen na nais ni Lacson na maidagdag sa listahan ng mga krimen na maaaring ipatupad ang wiretapping ay kudeta, robberry in band, brigandage/highway robbery, paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, at paglabag sa RA 9160 o Anti-Money Laundering Act of 2001
Sa kasalukuyang batas, pinahihintulutan lamang ang wiretapping sa mga kasong treason, espionage, provoking war and disloyalty in case of war, piracy, mutiny in the high seas, rebellion, conspiracy and proposal to commit rebellion, inciting to rebellion, sedition, conspiracy to commit sedition, inciting to sedition, kidnapping, at paglabag sa Commonwealth Act No. 616, na maaaring maging banta sa seguridad ng bansa.