Friday , November 15 2024

Alyado sa Kongreso ‘pinulong’ ni Digong (Death penalty desididong isulong)

071116_FRONT
DAVAO CITY – Tinalakay ni Pangulong Rodrigo Duterte ang anti-drug crusade ng kanyang administrasyon at pagnanais nyiang maibalik ang death penalty sa ilan niyang bagong alyado sa executive and legislative branch, nitong Sabado ng gabi

Kabilang sa mga mambabatas na dumalo sa pulong dakong 9:30 pm sa After Dark Resto Bar ay sina Senators Sonny Angara at Alan Peter Cayetano, Palawan 1st District Rep. Franz Josef Alvarez, Masbate 3rd District Rep. Scott Davies Lanete, Marinduque Rep. Lord Allan Jay Velasco, at Citizen’s Battle Against Corruption (CIBAC) Party-list Rep. Sherwin Tugna.

Naroroon din sina Public Works and Highways Secretary Mark Villar, Special Assistant to the President Bong Go, Bataan Governor Albert Raymond Garcia, Tarlac Governor Susan Yap, Taguig Mayor Lani Cayetano, at Manila Councilor Irwin Tieng, sa limang oras na pulong na inilarawan bilang “casual and cordial.”

Bagama’t ipinakita ang chart na tumutukoy sa local executives na sangkot sa illegal drugs, hindi nagbigay ng detalye ang pangulo kaugnay sa kanyang master plan hinggil sa kampanya laban sa droga.

Ngunit inilinaw ng Pangulo, gayonman, “one of his wishes was the re-imposition of the death penalty.” “He mentioned that so many officials are involved. Parang treason ‘yun sa kanya kasi sila dapat yung magprotekta, sila pa naging cause ng paglaganap sa bansa,” pahayag ni Angara.

Bago naupo sa puwesto, sinabi ni Duterte sa House leaders na nais niyang ibigti ang mga kriminal imbes  patayin sa pamamagitan ng lethal injection.

Tiniyak sa Pangulo ng mga mambabatas na dumalo sa pulong, susuportahan nila ano mang panukalang isusumite ni Duterte sa Kongreso.

“Like ‘yung death penalty, we will be open to that. We will listen to the arguments,” ayon kay Angara.

“Feeling ko conscience vote ‘yun, parang RH (Reproductive Health) bill din. Marami siguro, pag-iisipan nila nang mabuti at mai-influence sila ng mga religious beliefs nila,” dagdag ng senador.

Sinabi ni Tugna, hindi partikular na humiling ang Pangulo nang ipapasang bagong anti-drug law dahil mayroon nang umiiral na mga batas kaugnay nito.

“Ako, personally, naniniwala ako na ang batas naman nandiyan na: Republic Act 9165, Dangerous Drugs Act. It’s all about implementation,” aniya.

“I believe he (Duterte) has a good track record of implementing it,” dagdag ng party-list representative.

Samantala, bukod sa pagsusulong nang Duterte-approved laws, ilang mambabatas ang nagsabing handa silang sumailalim sa drug testing upang tiyakin sa Pangulo na ang kanyang mga alyado ay walang bahid ng droga.

“(I’m open to undergo drug testing) Just to show that we are in good faith. It should be done to because public officials should be the first ones to show and set a good example,” ayon kay Tugna.

Nauna nang isinailalim ni PNP Chief Ronald “Bato” Dela Rosa sa random drug tests ang kanyang mga tauhan simula sa unang araw nang pag-upo niya sa puwesto.

HATAW News Team

MORE DRUG PERSONALITIES TUTUKUYIN

KINOMPIRMA ng Palasyo na marami pang personalidad ang papangalanan ni Pangulong Rodrigo Duterte na sangkot sa operasyon ng illegal na droga.

“Iyong announcement po ng drug lords ay nangyari po last week, at sunod-sunod po itong nangyari. At meron pa pong ibang persons of interest na iaanunsiyo ng Pangulo,” ayon kay Communications Secretary Martin Andanar.

Kamakalawa, isiniwalat ni Presidential Spokesman Ernesto Abella na kumalat na ang impluwensiya ng illegal na droga sa lahat ng sektor sa lipunan, kasama na ang media.

Nauna rito’y tinukoy ng Pangulo na protector ng drug syndicates sina active PNP generals Bernardo Diaz, Joel Pagdilao at Edgardo Tinio, at retired police generals Marcelo Garbo at Vicente Loot na ngayo’y mayor ng Daanbantayan, Cebu.

Si Garbo, ayon sa Pangulo, ay coddler ng convicted drug lord na si Peter Co, at ng at-large drug trafficker na si Peter Lim.

May 35 lokal na opisyal pa aniya ang sangkot sa narco-politics.

Ngunit kinokompirma pa ng intelligence community ang mga impormasyon bago niya pangalanan sa publiko. ( ROSE NOVENARIO )

Sa anti-drug campaign
GEN. BATO IPATATAWAG NG SENADO  – DE LIMA

KABILANG sa ipatatawag sa Senado ang mismong PNP chief na si Director General Ronald dela Rosa at ilang nagrereklamong pamilya ng mga napatay sa anti-drug operations sa bansa, kabilang ang mga naihain na sa Commision on Human Rights (CHR).

Ito ay kaugnay sa resolusyong nakatakdang ihain sa papasok na linggo ni Sen. Leila de Lima, naglalayong magkaroon ng imbestigasyon ang Senado sa serye ng mga pagpatay sa bansa.

Mula nang manumpa bilang bagong pangulo ng bansa si Presidente Rodrigo Duterte noong Hunyo 30, mahigit sa 100 ang napatay sa pinag-ibayong giyera laban sa ilegal na droga.

Ayon sa senadora, hindi siya naniniwala na lahat ng mga napapatay ay dahil sa nanlaban sa mga pulis.

Aniya, karamihan sa mga napatay ay mga suspek pa lamang.

Pero agad bumawi si De Lima sa pagsasabing bilib siya sa kampanya ngayon ng administrasyon laban sa kriminalidad lalo sa droga.

Ngunit para sa mambabatas, dapat may limitasyon at laging may paalala ang Malacañang sa mga pulis na umiiral ang Bill of Rights at hustisya o due process.

Paliwanag niya, ang kanyang pagpapaimbestiga sa Senado ay para matukoy kung ano ang estado ng anti-drug campaign, kung lehitimo ang mga operasyon at para makabuo nang mas malinaw na batas na makatutulong sa kampanya ng mga awtoridad.

Kasabay nito, nagpaalala si Sen. De Lima sa mga pulis na nagpapatupad ng batas, na hindi dapat mag-shortcut at hindi dapat maging law breaker.

PETER LIM TARGET NG BI

HUMINGI ang Bureau of Immigration (BI) nang karagdagang detalye sa Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) para sa pagkakilanlan ni Peter Lim.

Si Lim ay isa sa mga pinangalanan ng Malacañang nitong nakaraang linggo bilang top drug lords sa Filipinas.

Sa panayam, sinabi ng tagapagsalita ng BI na si Tonette Mangrobang, mayroong 4,000 katao sa kanilang database na nagngangalang Peter Lim.

“We are clarifying and requesting the PNP/PDEA for additional details on his identity so we can check his travel records and monitor his entry,” ani Mangrobang.

Bukod kay Lim, kasama rin sina Wu Tuan alias Peter Co at Herbert Colangco alias Ampang sa pinangalanan nitong Huwebes ni Solicitor General Jose Calida bilang top three drug lords sa bansa.

Sina Wu Tuan at Herbet Colangco ay kapwa nakakulong ngayon sa New Bilibid Prison at maituturing sila roon bilang high profile inmates.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *