MAGKAHALONG excitement at kaba ang nararamdaman ni Alden Richards sa pelikula nila ni Maine Mendoza na Imagine You & Me na showing na sa July 13. Ito ang inamin ng Pambansang Bae, ngunit idinagdag niyang base sa feedback na kanilang naririnig ay marami na ang nag-aabang sa kanilang pelikula ni Yaya Dub.
“Opo, sa lahat naman po ng mga ganitong kalaking bagay na nangyayari sa buhay ng mga tao, especially sa amin ni Maine as love team. It’s-after Tamang Panahon, the second biggest break po of our love-team.
“So, excited po kami and parang… hiniling po kasi ng mga tao ito sa amin, sa Eat Bulaga po, kay Direk Mike, kay Tatay po-Mr Tuviera… so kinakabahan po kami in a sense and may pressure. Kasi, ang taas po ng expectations ng mga tao.
“Pero base po sa mga naririnig naming feedbacks after pong mapanood iyong trailer and doon po sa nakikita nilang mga promotions namin, we’re looking forward to the movie and we’re very excited po to show this film on July 13,” pahayag ni Alden.
Ano ang dapat abangan ng fans sa movie ninyong ito ni Maine?
“Well, aside po roon sa mga eksena, iyong Italy po mismo. Kumbaga, iyong film po kasi-sabi nga po ni Direk Mike, it would not be possible kung sinhoot (shoot) ito sa ibang lugar.
“The movie was made to be shot sa Italy. So, iyong ganda po ng mga sceneries, ganda po ng locations namin, isa po iyon sa mga highlight ng pelikula. And iyong kabuuan ng pelikula, kasi yung trailer is patikim pa lang. It’s not the whole story of the movie,” esplika pa ni Alden.
Bitin naman ang sagot ni Alden nang usisain kung may patikim ba ng lips o halikan sila ni Maine rito.
“Ay naku! Marami po, marami pong naghahalikan doon sa mga pinagkunan namin, ganoon po sila ka-showy sa affection nila with one another. Pero tignan nyo po, basta…,” nakangiting pa sagot ni Alden.
Ang pelikula ay prodyus ng APT Entertainment, GMA Films, and M-ZET Television at mula sa pamamahala ni Direk Mike Tuviera. Kasama rin sa casts sina Jasmine Curtis Smith, Cacai Bautista, Cai Cortez, Gerald Napoles, at iba pa.
ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio