PATULOY na inuulan ang malaking bahagi ng Bataan at kalapit na mga lugar dahil sa epekto ng hanging habagat na pinaigting nang nagdaang bagyo.
Katunayan, limang bayan na ang nakapagtala ng baha at may mga residente na ring lumikas.
Ayon sa ulat ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), kabilang sa binabaha ang mga bayan ng Dinalupihan, Hermosa, Orani, Samal at Mariveles.
Nabatid na ang mga lugar na ito ang itinuturing na low lying areas ng probinsya.
Sa Dinalupihan ay tatlong barangay ang ‘isolated’ na dahil sa pagtaas ng tubig baha.
Ilan sa mga apektado ng flash flood ay mga katutubong aeta na naninirahan sa naturang bayan.