CAGAYAN DE ORO CITY – Panibagong 10 police officers ang tinanggal sa kanilang trabaho nang magpositibo sa paggamit ng shabu sa Philippine National Police (PNP)-Region 10 na nakabase sa Hilagang Mindanao.
Ang pagkasibak sa nasabing mga pulis ay ilang oras bago tuluyang nagretiro sa serbisyo si PNP regional director, Chief Supt. Lendyl Desquitado na pinalitan ni dating PNPA director, Chief Supt Noel Constantino.
Sinabi ni Desquitado, ito ay patunay lamang na dibdiban ang “Oplan Linis Bahay” ng PNP laban sa mga kasama nilang police scalawags.
Kaugnay nito, nasa 30 mula sa 41 police officers na unang natukoy bilang drug positives, ang naalis sa trabaho rito sa rehiyon.