DAVAO CITY – Sinamantala ni Pangulong Rodrigo Duterte ang selebrasyon ng Hariraya o Eid’l Ftr ng mga kababayang Muslim para igiit ang hangarin niyang magkaroon ng pangmatagalang kapayapaan sa bansa.
Sinabi ni Pangulong Duterte, puspusan ang ginagawa ng kanyang administrasyon para malagdaan ang kasunduan sa mga rebelde partikular sa mga Moro.
Ayon kay Pangulong Duterte, magkakapatid tayong lahat, Muslim man o Kristiyano na kabilang sa lahing Filipino kaya dapat lamang magkaisa na.
Ayon sa Pangulo, huwag sanang hayaang matulad ang Filipinas sa Syria, Iraq at iba pang bahagi ng Middle East na nagkakawatak-watak dahil sa radikalismo.
Mas mabuting magnegosyo na lamang aniya kaysa makipaggiyera sa bawat isa upang sama-samang paunlarin ang bansa.
Kaugnay nito, nakiusap si Duterte sa Muslim leaders na bigyan siya ng pagkakataon para maisapinal ang katanggap-tanggap na kasunduan at arrangement sa mga rebeldeng grupo.