Friday , November 15 2024
arrest posas

Nagpakita ng ari sa babaeng estudyante, kelot arestado (Sa loob ng jeep)

ARESTADO ng mga awtoridad ang isang lalaking ilang ulit nang nagpakita ng kanyang maselang bahagi ng katawan sa isang estudyanteng babae na nakasasabay niya sa pampasaherong jeepney sa Maynila.

Ayon sa ulat, nadakip ng mga pulis si Joel Curay, 37, residente ng Caloocan City, nang muling makasabay ng estudyanteng si Tina sa jeep nitong Biyernes ng umaga.

Bago nito, nakuhaan ni Tina ng video sa cellphone ang pagpapakita ni Curay nang maselang bahagi ng katawan noong Hunyo 24 habang sakay sila ng jeep na may biyaheng Tayuman-España, Maynila.

Ngunit noong unang insidente raw na nagpakita ng kalaswaan si Curay sa jeepney, hindi niya ito nakunan ng video dahil sa takot.

Makaraan ang ikalawang insidente na may kuha na siya ng video, agad niya itong ini-report sa pulisya.

At nitong Biyernes, muling nakasakay ni Tina sa jeepney si Curay at bumaba pa sa lugar na pinagbabaan din ng estudyante.

Bunsod nito, humingi ng tulong sa mga awtoridad si Tina at nadakip ang lalaki sa tulong ng mga opisyal ng barangay at pulisya.

Ayon sa ulat, hindi itinanggi ni Curay ang kasalanan at idinahilan na mayroon lang siyang personal na problema.

Nais daw niyang makaharap ang biktima para humingi ng tawad ngunit tumanggi si Tina.

Nakatakdang sampahan ng reklamong unjust vexation si Curay.

About hataw tabloid

Check Also

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …

Principal

PH public schools kapos sa principal

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *