NAGA CITY – Pumalo na sa mahigit 2,000 drug personality ang sumuko sa mga awtoridad sa buong Bicol region.
Nabatid na nangunguna sa may pinakamalaking surenderees ang lalawigan ng Camarines Sur na aabot na sa 1,000; sinundan ng Sorsogon na may 650; Masbate na may 321; Camarines Norte na may 303; Albay na may 488, at Catanduanes na may pinakamaliit na bilang na umaabot palang sa 36 surenderees.
Habang aabot sa siyam na drug personality ang napatay sa gitna ng anti-illegal drug operations ng mga awtoridad sa iba’t ibang bahagi ng rehiyon.
Samantala, nasa 78 plastic sachets ng shabu ang nakompiska na aabot sa 10,967.92 grams, 12 assorted firearms at tatlong hand grenade.
Inaasahan ang patuloy na paglobo ng nasabing mga bilang sa gitna nang mas pinahigpit na kampanya at operasyon ng mga awtoridad sa nasabing rehiyon.