INAMIN ni Pangulong Rodrigo Duterte sa harap ng mga kababayang Muslim na hindi siya nakatitiyak na magkakaroon ng federalismo sa bansa kaya nananatiling opsiyon o Plan B ang pagpasa ng Bangsamoro Basic Law (BBL).
Sinabi ni Pangulong Duterte, titiyakin niyang maipasa ang BBL kung sakaling tanggihan ng mayorya ng mga Filipino ang federalismo sa isasagawang plebisito.
Ayon kay Duterte, maka-aasa ang mga kababayang Muslim lalo ang Moro Islamic Liberation Front (MILF) at Moro National Liberation Front (MNLF) na magiging katanggap-tanggap sa kanila ang ipapasang BBL.
Kasabay nito, nangako rin si Duterte nang pagresolba sa kagutuman sa Mindanao partikular sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) at dito raw siya magbubuhos ng tulong, pagkain at nutrisyon sa mga bata.
“I foresee that towards the end of the year, we’d be able to come up with the framework, kung paano gawin ang federalism. But, if the Filipino nation and a plebiscite would not want it, then I am ready to concede whatever is there in the BBL Law,” ani Duterte.