NIYANIG ng magnitude 5.2 na lindol ang ilang bahagi ng Mindanao kahapon ng umaga.
Ayon sa ulat ng Phivolcs, naitala ang lindol dakong 7:16 a.m. kahapon.
Natukoy ang epicenter sa 09 km hilagang kanluran ng Talacogon, Agusan Del Sur.
May lalim itong 61 kilometro at tectonic ang pinagmulan.
Naramdaman ang lakas ng pagyanig ng mga residente: Intensity V sa Butuan City; Talacogon, Agusan Del Sur; Intensity IV sa Gingoog City, Misamis Oriental; Intensity III sa Cagayan De Oro City; Intensity II sa Malaybalay City at Valencia, Bukidnon;
Intensity I sa Mambajao, Camiguin; Intensity II sa Bislig City at Cagayan de Oro City, at Intensity I sa Kidapawan City, Cebu City, Alabel, Sarangani.