Friday , November 15 2024
dead gun police

60-anyos gunrunner todas sa parak

TODAS ang isang 60-anyos gunrunner makaraang manlaban sa mga awtoridad nang matunugan na parak ang napagbentahan niya ng baril sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Hindi na umabot nang buhay sa Dr. Jose Rodriguez Hospital ang suspek na si Dominador Talusay, tubong Munoz, Nueva Ecija, at naninirahan sa 781 Orchids St., Bo. Concepcion, Brgy. 188 Tala ng nasabing lungsod.

Habang arestado ang dalawa niyang kasama na sina Rocky Luisma at Rizalino dela Cruz, kapwa nasa hustong gulang, at mga residente rin ng nasabing lugar.

Ayon sa ulat ni PO3 Gomer Mapalla, dakong 10:45 p.m. nang maganap ang insidente sa labas ng bahay ni Talusa.

Nabatid na nagsagawa ng buy-bust operation ang mga tauhan ng District Special Operation Unit ng Northern Police District sa pangunguna ni Supt. Edgardo Cariaso laban kay Talusay makaraan makatangap ng impormasyon hinggil sa ilegal na aktibidad ng grupo na gunrunning, drug pushing at carnapping.

Nagpanggap na buyer ang isang pulis ngunit nang makatunog ang suspek ay agad pinaputukan ang mga awtoridad.

Sa puntong ito, gumanti ng putok ang mga pulis na ikinasugat ni Talusan. Isinugod siya sa pagamutan ngunit hindi na umabot nang buhay.

( ROMMEL SALES )

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *