NAKATAKDANG ipatawag ni Pangulong Rodrigo Duterte ang unang Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC) meeting pagkatapos ng unang State of the Nation Address (SONA).
Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, dito ilalatag ni Pangulong Duterte sa mga lider ng Kongreso ang kanyang legislative agenda o priority bills.
Sa nasabing LEDAC meeting, inihaharap ng Ehekutibo ang mga panukalang batas para mailagay ng mga mambabatas sa kanilang kalendaryo at mas madaling maipapasa.
Inaasahang una sa panukalang batas ng Duterte administration ang paglipat sa federalismo at pagbabalik ng parusang kamatayan sa karumal-dumal na krimen.