Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

“The Achy Breaky Hearts” stars nanawagan laban kontra sa piracy

Habang patindi nang patindi ang pag-aabang ng mga kababayan sa Europe at Middle East screenings ng “The Achy Breaky Hearts” ng Star Cinema at TFC@theMovies simula July 9, 10 at 14, personal namang humingi ng suporta ang all-star cast sa mga kababayan sa three-way virtual press con na ginanap kamakailan via emea.kapamilya.com.

Ayon kay Jadaone na isang award-winning director, siya mismo ay naiyak dahil sa galing nila, lalo na kay Sta. Maria sa isang eksena na pinilit niyang magpakasaya sa pagpapatugtog ng masayang awitin matapos ang isang kabiguan pero sa huli ay nanaig pa rin ang kalungkutan.

Pagbibiro ni Jadaone kay Sta. Maria sa press con:

“Pagpasok ko sa loob (set), hindi na ako umiiyak kasi baka isipin niya na masyado siyang magaling. Ang galing ni Jodi. Ang galing niyang artista.”

Bukod sa pagbabahagi sa pelikula, inimbitahan ng tatlo (Ian Veneracion, Jodi Sta. Maria and Richard Yap) kasama ni Jadaone ang mga kababayan para ma-experience ang ‘The Achy Breaky Hearts” sa big screen, kasama ng kanilang mga pamilya o kaibigan, sa mga licensed theater partners.

Ibinahagi ng stars ang kanilang panawagan, ilang araw matapos maglabasan ang illegal na kopya ng pelikula sa social media, kasama na ang Facebook.

Sa kaniyang Instagram account na @jodistamaria, may mensahe ang aktress tungkol sa pangyayari dalawang linggo lamang matapos itong maipalabas sa Filipinas. “The entire team worked hard to give you the best and it saddens us to know that illegal links of the film are being circulated online. Let’s support the local movie industry by reporting illegal links of the film.”

Sa Instagram account naman ni Yap, @imrichardyap08, humingi siya ng tulong sa fans. “Help us stop piracy. Stop the spread or please report or email links to [email protected]. Maraming salamat for your support,” anang actor.

Sa huli, nagpasalamat si Jadaone sa TFC@theMovies at Star Cinema para sa pagdala ng pelikula sa ibang bansa at nag-iwan ng babala sa mga namirata at nagbabalak pa lang na mamirata. “Tama pa rin pala. Filipino ang papatay sa kapwa Filipino. Tayo ang pumapatay sa sarili nating industriya. Napakahusay natin humingi ng pagbabago, e mga sarili natin, di natin mabago.”

Panoorin ang “The Achy Breaky Hearts” sa licensed theatrical partners kasama ang mga Kapamilya at kaibigan simula July 9 sa UK, July 10 sa France at Italy, at July 14 sa UAE, Bahrain, Oman at Qatar.  Bisitahin ang emea.kapamilya.com para sa kompletong theatrical listing.

Mag-email ng illegal na links sa [email protected]

Send in those sizzling stories that you know about our fave showbiz personalities at [email protected] and #09994269588, #09276557791 and #09223870129 and read them here.

And with that, ito po ang kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity. Adios. Mabalos. I always need you, Nong!

BANAT – Pete Ampoloquio, Jr.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pete Ampoloquio Jr.

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …