Friday , January 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Takot mamolestiya!

Hahahahahahahahahaha! Nakatatawa naman ang exerience ng bagets na aktor nang mag-shoot sila sa abroad.

Minsan daw kasi ay may naisipan siyang bilhin para sa kanilang dalawa ng dyowa niyang young actress.   Since wala namang mauutusan for they were on location, napilitan na rin siyempre ang bagets na siya na lang ang bumili ng kanilang mga pangangailangan.

You could just imagine his surprise when he was accosted by three burly police men when as far as he was concerned, he did not commit any violation of the law. Hahahahahahahahahahaha!

Itinanong daw ng mga police kung saan papunta ang bagets na aktor pero ramdam niyang sa kanyang tarugs (sa kanyang tarugs raw, o! Hahahahahahahaha!) nakatitig.

Anyhow, scared to the max ang bagets dahil feeling niya, any moment ay sasagpangin ng mga burly police men ang kanyang juicy tarugs. Hahahahahahahahahahahahahaha!

Kalowkah ever!

Anyway, pinakawalan naman daw ang bagets na aktor after asking some innocuous questions.

Obviously, they would want to get to know him better but when they realized that the bagets actor was answering in a monosyllabic words, they let him go. Hahahahahahahahaha!

Hindi nag-open up sa dyowa niyang young actress ang actor, but he did talk about it to his movie scribes friends.

‘Yun nah!

HAPPY SA KAPAMILYA

Happy si Bianca Manalo sa Dreamscape Production.

So far, she’s being given good roles that tends to highlight her acting virtuosity even if it’s a light comedy role she’s delineating. Dito na lang sa Super D ay nabigyan talaga siya ng acting highlights at damang-dama ang kanyang pagiging aktres kahit na hindi naman heavy drama ang kanyang papel.

Previously, maganda rin ang role na ibinigay sa kanya ng Dremascape sa On the Wings Of Love.

Bagama’t light lang ito at feel good soap na maituturing, nabigyan din si Bianca ng acting highlights na buong husay naman niyang nagampanan.

Sa totoo, kay husay-husay umarte ni Bianca at maituturing siyang underrated actress.

As time goes by, lalong naha-highlight ang husay umarte ni Bianca. Hindi kami magtatakang hindi lang ito ang ibibigay na soap ng Dreamscape sa lalong humuhusay na aktres.

Parang puwede siyang magkamit ng titulong best actress in a comedy role. Tipong ‘yung award na nakuha noon ni Ms. Gloria Romera sa pelikula niyang tumatalakay ng buhay-buhay nang mga babaeng Ilocana.

Congratulations Bianca. Here’s hoping that more challenging roles will come your way because you’re such a good actress.

‘Yun na!

NAGPAKONTROBERSYAL SI RYAN BANG!

Pinag-uusapan ng netizens ang self-produced music video ni Ryan Bang. Hindi naman exceptional ang kanyang musical skills. Ang pinag-usapan, ang kanyang daring scene together with some belles. Hahahahahahahaha!

Ma-imagine n’yong totally naked na naglakad ang comedian kasama ang mga babaeng back-up singers niya sa music video na ‘yun. Ang nakatakip lang sa kanyang sex organ ay itim na box.

Carry n’yo ‘yan? Hahahahahahahahahaha!

You better avail of this music video if you want to see something new and interesting.

New and interesting daw, o! Hahahahahahahahaha!

‘Yun nah! Hahahahahahahaha!

“THE ACHY BREAKY HEARTS” STARS NANAWAGAN LABAN KONTRA SA PIRACY

Habang patindi nang patindi ang pag-aabang ng mga kababayan sa Europe at Middle East screenings ng “The Achy Breaky Hearts” ng Star Cinema at TFC@theMovies simula July 9, 10 at 14, personal namang humingi ng suporta ang all-star cast sa mga kababayan sa three-way virtual press con na ginanap kamakailan via emea.kapamilya.com.

Ayon kay Jadaone na isang award-winning director, siya mismo ay naiyak dahil sa galing nila, lalo na kay Sta. Maria sa isang eksena na pinilit niyang magpakasaya sa pagpapatugtog ng masayang awitin matapos ang isang kabiguan pero sa huli ay nanaig pa rin ang kalungkutan.

Pagbibiro ni Jadaone kay Sta. Maria sa press con:

“Pagpasok ko sa loob (set), hindi na ako umiiyak kasi baka isipin niya na masyado siyang magaling. Ang galing ni Jodi. Ang galing niyang artista.”

Bukod sa pagbabahagi sa pelikula, inimbitahan ng tatlo (Ian Veneracion, Jodi Sta. Maria and Richard Yap) kasama ni Jadaone ang mga kababayan para ma-experience ang ‘The Achy Breaky Hearts” sa big screen, kasama ng kanilang mga pamilya o kaibigan, sa mga licensed theater partners.

Ibinahagi ng stars ang kanilang panawagan, ilang araw matapos maglabasan ang illegal na kopya ng pelikula sa social media, kasama na ang Facebook.

Sa kaniyang Instagram account na @jodistamaria, may mensahe ang aktress tungkol sa pangyayari dalawang linggo lamang matapos itong maipalabas sa Filipinas. “The entire team worked hard to give you the best and it saddens us to know that illegal links of the film are being circulated online. Let’s support the local movie industry by reporting illegal links of the film.”

Sa Instagram account naman ni Yap, @imrichardyap08, humingi siya ng tulong sa fans. “Help us stop piracy. Stop the spread or please report or email links to [email protected]. Maraming salamat for your support,” anang actor.

Sa huli, nagpasalamat si Jadaone sa TFC@theMovies at Star Cinema para sa pagdala ng pelikula sa ibang bansa at nag-iwan ng babala sa mga namirata at nagbabalak pa lang na mamirata. “Tama pa rin pala. Filipino ang papatay sa kapwa Filipino. Tayo ang pumapatay sa sarili nating industriya. Napakahusay natin humingi ng pagbabago, e mga sarili natin, di natin mabago.”

Panoorin ang “The Achy Breaky Hearts” sa licensed theatrical partners kasama ang mga Kapamilya at kaibigan simula July 9 sa UK, July 10 sa France at Italy, at July 14 sa UAE, Bahrain, Oman at Qatar.  Bisitahin ang emea.kapamilya.com para sa kompletong theatrical listing.

Mag-email ng illegal na links sa [email protected]

Send in those sizzling stories that you know about our fave showbiz personalities at [email protected] and #09994269588, #09276557791 and #09223870129 and read them here.

And with that, ito po ang kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity. Adios. Mabalos. I always need you, Nong!

BANAT – Pete Ampoloquio, Jr.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pete Ampoloquio Jr.

Check Also

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …

Alden Richards

Alden  pang-international na bilang artista at producer

RATED Rni Rommel Gonzales KASAMA ang kanyang buong pamilya ay sa Amerika nagdiwang si Alden Richards ng …