Friday , November 15 2024

Mga kayamanan dagdag sa ari-arian ng gobyerno

ANG Inyong Lingkod pagkatapos mag-Resign bilang Isang NBI Agent ‘e naging Self-Employed na lang po bilang Private Investigator Noon Taong 1996. Marami akong naging Kliyente mula sa malalaking Kompanya on Case to Case Basis. Isang MALAKING BILYONARYONG KOMPANYA Ngayon ang nag-hire sa Akin Noon para Imbestigahan ang isa nilang  kliyenteng Mag-asawang Amerikano na may Shares of Stock-Class B. Ayon sa Kompanya, ‘e Patay na ang Pinay at ang asawang Amerikano ay wala nang kontak sa kanila at nakatira na lamang sa Washington, D.C.USA.

Tawagin natin ang nabanggit na mga-asawang Sosa Brant Pullen at Larry Brant Pullen (pawang hindi tunay nilang mga pangalan.) Ang Shares of Stock-Class B sa malaking Kompanya ‘e nabili nila sa halagang P5.00 lamang noong pagkaraan ng Japanese War o World War II. Pagkaraan ng maraming taon ng kanilang pagtanggap tuwina ng dibidendo, nitong panahon ng 1980’s ‘e hindi na nila na-claim ang mga malalaking dibidendo at natala na lang sa files ng shares of stocks, na patay na nga si Gng.Sosa Brant Pullen.

Nitong taong 1996, after ng resignation ko from the NBI, kinuha ako ng nasabing malaking kompanya sa ating bansa upang imbestigahan ang pagkokolekta ng dibidendo at pagkuha ng mga original shares of stocks sa kanilang Stoks Transfer sa Ortigas Commercial Center. Ang tanging iniharap lamang dito ay ang Blue Passport,pagkatapos ‘e ibinigay lahat ang dividend at ang original shares of stocks na may dala ng certification ni Sosa Brant Pullen. Aba ‘e binuhay ang patay na si Sosa.

Madali’t salita, kinuha ang mga given address na naitala ng apat na beses sa apat na ulit na pagkuha ng dibidendo. Ang panghuli dito ay ang pagsamsam ng mga duplicate copies of all shares of stocks-Class B ng mag-asawang banyaga.

Pagkatapos po ng aking masusing imbestigasyon.. napaglaman ko na lahat ng given address sa Maynila, Novaliches at Makati,maging ang Notary Public ‘e fictitious at fake ang mga nabanggit na dokumento.  Katunayan nga po yung isang given address sa Sta.Cruz ‘e isang gusali ng sikat na bangko at sa 5th floor na binabanggit na address ‘e bodega ng janitorial services ang umookupa. Sa aking masusing imbestigasyon ‘e lumabas na isang opisyal sa Records Section ang solong pasimuno ng usaping ito. Inilabas niya ang ilang blankong record para pirmahan at magkaroon ng specimen signatures sa pangalan ni Sosa Brant Pullen ng mga sindikato at pagkatapos ‘e ibinalik para kapag ikinompara ng claimant ‘e parehong-pareho ang pirma. No question asked, release agad ang nasabing mga dibidendo at shares of stocks-class B. Agad naman pong nag-absent at tuluyan nang hindi pumasok ang suspek na opisyal na maaaring sangkot sa anomalya.

Ito pong second part ng aking imbestigasyon sa kliyente kong kompanya ‘e package deal. Nakiusap po sila na ituloy  ko ang Investigation process sa Amerika para malaman talaga kung patay na si Sosa Pullen.

DESTINATION  USA. Nang nandoon na po ako sa Oakland,California nakakuha ako ng original copy ng death certificate ni Mrs.Pullen. Para nga po ako’y makasiguro,nagtungo ako sa Pleasantville Cementery at hinanap ko sa buong maghapon ang nabanggit na Nitso o puntod. Nakita ko naman po at aking kinunan ng larawan bilang katibayan na siya’y doon nakalibing.

Nagtuloy po ako sa Washington D.C. at napag-alaman ko na si Larry Brant Pullen ‘e matagal nang bed ridden at inutil na para sumulat o makakilala ng kahit sinong kaibigan o kamag-anak. Nagpanggap po akong anak ng dati nilang kaibigan sa Filipinas. After this bumalik na ako sa ating bansa noong  December 28,1996. Two weeks ako sa US hindi ko nadalaw ang aking pamilya doon sa New York. Ganoon po ako kapag humahawak ng asunto,talagang nakatutok.

Nagbigay ako ng aking special report including all the documents as evidences. Akin ini-recommend ang filling of criminal charges against the suspect. Kaya nga lang po ng ngayo’y isang malaking bilyonaryong Kompanya ngayon,ang sagot nila sa akin ‘e ilihim ko na lang daw total bayad na naman ako.Nakuha ko naman ang point nila. Ito ang dahilan kung bakit isinulat ko ang tungkol sa kliyenteng ito.After two Decades.

Marami pong malalaking Kompanya sa Filipinas na karamihan na may-ari ng shares of stockc-class B ‘e mga banyaga. Ang mga dayuhang ito ay matagal nang paaty at wala ni isa mang kamag-anak na puwedeng mailipat ang ngayo’y bilyon-bilyon pisong shares na nakatago sa mga dambuhalang monopolyong kompanya. Kung may kamag-anak man ‘e hindi alam ang tungkol dito, dahil ang iba’y nasa ibayong dagat na. Sa aking pagkakaalam ang class B ay para sa mga dayuhan lamang. Marami sa kanila nakabili ng shares  before and after World War.

Alam na alam  natin na ang mga matagal nang malalaking kompanya na magpahanggang ngayon ‘e patuloy na nagiging multi-billion company ay ang tulad ng San Miguel,PLDT at marami pang iba. Sa Amerika po kasi at sa iba’t-ibang bahagi ng mayayamang bansa,kapag sila ‘e kompirmadong wala nang kamag-anak ang lahat ng kanilang ari-arian ay nauuwi sa gobyerno. Dito po sa atin sa Filipinas puede po nating isakatuparan ‘yan, kung ang lahat ng malalaking companya  ay mag susulit ng mga naiwang  shares of stocks at pag mamay-ari ng mga namayapa nang mga dayuhan. Sa ganitong paraan break –even lang po tayo sa mga magnanakaw sa Gobierno, In disguised As Public Servant. MGA SALOTTT!!!

Anong Say po Ninyo Kapatid MARTIN ANDANAR? Hindi po ba ATTY PANELO? MABUHAY PO KAYO. GODSPEED.

***

UGALIING manood muli sa Royal Cable TV-6  tuwing Martes at Miyerkoles 10:30 am to 12:00 nn program, “KASANDIGAN NG BAYAN” Mayor Abner L. Afuang with TV station manager Cris Sanji. Marami pong Salamat. Godspeed.

KONTRA SALOT – Abner Afuang

About Abner Afuang

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *