Friday , November 15 2024
dead

Libreng kabaong, biskwit, kape at karo (Sa mapapatay na drug pusher)

GENERAL SANTOS CITY – Mamimigay ng mga gift certificate ang Local Government Unit (LGU) ng Glan, Sarangani, kasabay nang pinaigting na kampanya kontra sa droga.

Ito ang kinompirma ni Mayor Victor James Yap Sr. makaraan sabihin ni Pangulong Rodrigo Duterte na may mga alkalde na dawit sa drug trade.

Mas mabuti aniyang magkaalaman na, kaya siya mismo ang mangunguna kasama ang bise alkalde, konsehal at mga department head, sa pagsailalim sa drug test.

Dagdag ni Mayor Yap, sa kasalukuyan ay may isang pusher ang namatay, apat ang nahuli, habang 600 ang sumuko sa pulisya.

Ang gift certificate ay may katumbas na libreng kabaong, embalsamo, bigas, kape pati ang karo papuntang sementeryo.

Pinapirma ng waiver ang drug personalities para kung magpositibo sa drug test ay deretso na sa bilanggguan.

Kinompirma ng opisyal na nakikipagtulungan sa kampanya ang TESDA para magbigay nang libreng training sa mga surenderees.

About hataw tabloid

Check Also

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …

Principal

PH public schools kapos sa principal

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga …

AMLC

Bigtime money launderer dapat arestohin ng AMLC

UMAPELA si Senate Minority Floor Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na palakasin ng Anti-Money Laundering …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *