Friday , November 15 2024

Kongresistang laging absent ‘wag sahuran — solon

HINIKAYAT ni Navotas City Rep. Toby Tiangco ang kanyang mga kasamahan na suportahan ang inihain niyang “no work, no pay bill” para matapos ang absenteeism sa Kamara.

Iginiit ni Tiangco, hindi layunin ng kanyang panukala na siraan ang institusyon ng Kamara kundi ang hikayatin silang lahat na maging tapat sa kanilang sinumpaang tungkulin.

Kung ordinaryong manggagawa aniya ay hindi nababayaran kung hindi magtrabaho, walang dahilan para maging iba rito ang sistema para sa kanila sa Kongreso.

Ang sahod aniya ng mga mambabatas ay galing sa buwis ng publiko kaya mas dapat ang “no work, no pay.”

Paalala ni Tiangco sa mga kapwa kongresista, ang absenteeism ang mas nakasisira sa Kongreso at hindi ang paghahanay ng sistema para tapusin ito.

About hataw tabloid

Check Also

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …

Principal

PH public schools kapos sa principal

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga …

AMLC

Bigtime money launderer dapat arestohin ng AMLC

UMAPELA si Senate Minority Floor Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na palakasin ng Anti-Money Laundering …

Scam fraud Money

Nagpanggap na kaniyang pamangkin, Babae sa Tarlac tiklo sa online love scam

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang babaeng kinilalang si alyas “Tita” matapos magpanggap na kaniyang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *