Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Hindi pa tapos ang laban — Sugar

A mother’s plea. Masama ang loob ni Sugar Mercado. Na punumpuno ng saya nang ipagdiwang ang dedication at kaarawan ng mga anak na sina Sofia at Olivia.

Naipagkaloob na sa kanya ang pagbibibigay ng proteksiyon sa kanyang mga anak. Pero bigla raw nagbago ang ihip ng hangin. At base sa kanyang mensahe sa FB:

“Malinaw sa original resolution ni Fiscal Lagasca, dismissed ang kaso ng child abuse laban sa amin. Malinaw din ang kanyang original recommendation: sampahan ng 5 kaso sa paglabag sa RA 9262 ang aking dating asawa. Pero binalewala ang mga rekomendasyon ni Fiscal Lagasca. Kami ngayon ng aking ina ang kinasuhan ng child abuse. At sa gitna ng matibay na mga ebidensiya na-dismiss ang kaso namin para sa VAWC.

“Hindi ako natatakot. Haharapin ko lahat ng mga kasong isasampa nila laban sa akin. Lalaban ako. Ipaglalaban ko ang karapatan ko para sa mga anak ko. Ipaglalaban ko ang hustisya na nararapat para sa akin bilang biktima ng pang-aabuso. Baliktarin man nila ang mga pangyayari, gamitin man nila lahat ng kanilang pera, lalaban kami ng aking buong pamilya. Hindi pa tapos ang aming laban. Umaasa kami na papanig sa katotohanan at papanig sa karapatan ng kababaihan ang korte at ang piskalya. Ang laban ko ay laban ng lahat ng mga babaeng tinatakot, sinasaktan, inaabuso, at ninanakawan ng dignidad at ng karapatang mabuhay ng marangal. #LabanAngAbuso. #plsprayformyfamily #GODisgood #plsshare #share #share #akoangbiktima #hustisya #dinyomakukuhaanakko”

Kasunod nito ang pagtungo ni Sugar sa Quezon City Hall kasama ang GABRIELA para sa inihihibik na karapatan.

Ang takot ni Sugar ay ‘yun pang siya ang tinatakot na makukulong o magpipiyansa ng P80K!

HARDTALK – Pilar Mateo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …