Friday , November 15 2024
flood baha

Flood alert sa Metro pinalawig

PINALAWIG pa ng PAGASA ang umiiral na flood alert sa Metro Manila at karatig na mga lugar dahil sa epekto ng habagat na pinaigting ng bagyong Butchoy.

Nakataas ang red warning alert o matinding pagbaha sa ilang lugar sa Zambales at Bataan.

Habang nasa orange alert o lantad pa rin sa pagbaha ang Cavite,  at Batangas.

Samantala, may inisyal na babala sa Metro Manila, Pampanga, Bulacan, Laguna , at Rizal dahil sa patuloy na buhos ng ulan.

Ang bagyong Butchoy na bagama’t bahagyang humina makaraan mag-landfall sa Taiwan ay inaasahan pa ring patuloy na hahatak ng hanging habagat at magdadala ng ulan sa malaking bahagi ng Luzon at Visayas hanggang weekend.

Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 260 km hilagang kanluran ng Itbayat, Batanes.

Taglay nito ang lakas ng hangin na 165 kph at pagbugsong 200 kph.

Kumikilos ang sama ng panahon nang pahilagang kanluran sa bilis na 13 kph.

Nananatili ang tropical cyclone warning signal number one sa Batanes group of Islands.

PASOK SA GOV’T, KLASE SA NCR HALF DAY — PALASYO

SINUSPENDI ang pasok sa mga tanggapan ng gobyerno at klase sa mga pampublikong paaralan sa National Capital Region (NCR) kahapon.

Batay ito sa Circular No. 2 na inilabas ni Executive Secretary Salvador Medialdea, batay na rin sa rekomendasyon ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Bunsod ito nang mga pagbaha sa NCR dahil sa walang humpay na buhos ng ulan mula dakong umaga kahapon dahil sa habagat na pinag-iibayo ng bagyong Butchoy.

Ang suspensiyon ng klase at pasok sa tanggapan ng gobyerno ay epektibo dakong 1:00 pm kahapon.

Habang ipinaubaya ng Palasyo sa pribadong sektor kung pauuwiin nang maaga ang kanilang mga empleyado.

CANCELLED FLIGHTS NADAGDAGAN SA MASAMANG PANAHON

NADAGDAGAN pa ang cancelled flights dahil sa masamang lagay ng panahon sa malaking bahagi ng Luzon.

Ayon sa abiso ng Manila International Airport Authority (MIAA), nasa walong biyahe ng mga eroplano ang hindi itinuloy kahapon.

Kabilang na rito ang international flight na Manila-Kaohsiung (Taiwan)-Manila ng China Airlines.

Habang sa domestic flights ay apektado ang Manila-Basco-Manila at Manila-Busuanga-Manila ng local airline companies.

Samantala, na-divert sa Clark ang ilang eroplanong lalapag sana sa NAIA kahapon.

Kabilang na rito ang mga nagmula sa Cebu, Bacolod at Iloilo.

About hataw tabloid

Check Also

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …

Principal

PH public schools kapos sa principal

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga …

AMLC

Bigtime money launderer dapat arestohin ng AMLC

UMAPELA si Senate Minority Floor Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na palakasin ng Anti-Money Laundering …

Scam fraud Money

Nagpanggap na kaniyang pamangkin, Babae sa Tarlac tiklo sa online love scam

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang babaeng kinilalang si alyas “Tita” matapos magpanggap na kaniyang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *