NAKA-STANDBY alert status ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pagresponde sa mga naapektohan ng bagyong Butchoy na may international name na Nepartak.
Ayon kay DSWD Secretary Judy Taguiwalo, patuloy na mino-monitor ng kanilang ahensiya ang mga lugar na pinaka-apektado kabilang ang Maynila, Parañaque at Quezon City na nagpalabas ng yellow warning affect.
Nakahanda umano ang kanilang quick response team habang patuloy na inuulan ang Metro Manila at karatig na mga probinsya na Bataan, Zambales at Bulacan.
Dagdag ni Sec. Taguiwalo, handa na ang 7,000 foodpacks na ipamamahagi sa Zambales habang ang 3,000 ay sa Aurora.
Patuloy rin aniyang nakikipag-ugnayan ang kanilang ahensiya sa lokal na pamahalaan kaugnay sa mga posibleng emergency.