Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

The IdeaFirst Company, sunod-sunod ang projects!

00 Alam mo na NonieHUMAHATAW ngayon ang The IdeaFirst Company nina Direk Jun Lana at Direk Perci Intalan. Marami silang proyektong pinagkaka-abalahan bukod sa I Love You To Death na showing na ngayon at tinatampukan nina Kiray Celis, Enchong Dee, Janice de Belen, Trina Legaspi, Michelle Vito, Betong Sumaya, Devon Seron, Paolo Gumabao, at iba pa

First venture ba ito ng company ninyo sa Regal Entertainment?

Sagot niya, “Oo, first production ito ng The IdeaFirst Company para sa Regal Entertainment. May mga next projects na kaming naka-line up kay Mother Lily and Roselle.

Inusisa rin namin si Direk Perci kung bakit hindi na lang sila ni Direk Jun ang naging director ng first venture nila sa company ni Mother Lily Monteverde?

“Noong una talaga kami ni Jun ang magdi-direk ng mga movies na ito. Pero mula noong nag-train si Jun ng mga bagong creative talent thru his CinePanulat screenwriting workshop, naka-discover kami ng mga bata at napakahuhusay na filmmakers.

“Gusto namin silang bigyan ng break in the same way tinulungan kami ng mga mentors namin dati. Natuwa naman kami kasi supportive na supportive ang Regal sa pagbibigay ng break sa mga bagong filmmakers na ito. Ilan nga rito ang nag-direk ng I Love You To Death na si Direk Miko Livelo at ang screenwriter ng pelikulang ito, si Ash Malanum.

Dagdag pa ng dating TV5 executive, “Apart from this movie, ginagawa ng The IdeaFirst Company ang passion project ni Jun na Die Beautiful starring Paolo Ballesteros at ang exciting na romcom na Bakit Lahat ng Guwapo May Boyfriend starring Anne Curtis and Dennis Trillo for Viva Entertainment naman. Bahagi rin kami ng Cinemalaya movie na iAMERICA directed by Ivan Andrew Payawal na isa ring protege ni Jun sa CinePanulat.”

Pinuri rin ni Direk Perci si Paolo. “Natutuwa kami for Paolo Ballesteros kasi mula noong ina-announce namin na tuloy na kami sa production ng Die Beautiful, napaka-supportive ng mga tao sa kanya. Hindi rin kasi biro ang gagawin niya, kasi ang daming make-up transformations and may prosthetics pa para maging believable na transgender siya.

“Bukod pa sa complex na character na todo sa patawa pero todo sa drama. May kinunan kaming mga eksena kanina (July 1) na ang lakas-lakas ng kurot sa puso. Ang husay ni Pao!”

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …