IPINALALAKIP ng ilang kongresista ang mga mandarambong o mahahatulang guilty sa plunder sa mga dapat patawan ng parusang kamatayan.
Nakapaloob ito sa House Bill 001 na inihain nina incoming House Speaker Pantaleon Alvarez at Capiz Rep. Fredenil Castro na naglalayong ibalik ang parusang kamatayan.
Bukod sa plunder, kasama sa mga krimen na nakalinya rito para tapatan ng death penalty, ang carnapping gayondin ang drug trafficking.
Katwiran nina Castro at Alvarez, ang kasalukuyang mga batas ay hindi sapat para matakot ang mga kriminal.
Kailangan anilang mas paigtingin pa ang laban sa kriminalidad sa pamamagitan nang mas may ngipin na mga batas kaakibat ang determinadong implementasyon nito.