Saturday , November 23 2024

Panaginip mo, Interpret ko: Ginapangan ng ahas (2)

Ang panaginip naman ukol sa mga hayop na tulad ng baka o kalabaw ay sumisimbolo ng iyong passive and docile nature. Ito ay nagpapakita ng pagsunod sa kagustuhan ng iba ng hindi nag-iisip o nagtatanong pa. Alternatively, ang ganitong mga hayop ay nagre-represent ng maternal instincts o ng kagustuhang maalagaan o pangalagaan sila. Para sa ilang kultura, ang baka ay nagre-represent din ng divine qualities of fertility, nourishment and motherhood.

Kung ang naglalakad ay maayos naman sa iyong panaginip, ito ay nagsasaad nang mabagal na paglalakbay sa buhay subalit steady naman ang pagsulong tungo sa mithiin o mga pangarap. Ito rin ay nagpapakita na sumusulong sa iyong buhay sa pamamaraang naroon ang iyong kompiyansa, subalit dapat ding maging mapagmatyag at ikonsidera ang landas na tinatahak at patutunguhan. Kung nahihirapan naman sa paglalakad, nagpapahayag ito ng pag-aalinlangan sa pag-usad hinggil sa ilang sitwasyon bunsod ng mga balakid at sagwil na kakaharapin o kasalukuyang hinaharap na sa buhay.

Ang panaginip mo ukol sa kalsada ay nagre-represent ng iyong sense of direction at ang tinatahak na direksiyon ng iyong buhay. Segun sa estado ng iyong paglalakbay, makikita mo kung mabuti o masama ito kung maayos ang iyong paglalakad at hindi ka naka-encounter ng problema o takot. Ang iyong panaginip ay nagsasabi ng iyong inner state of mind. Dapat mong ikonsidera ang iyong sariling saloobin ukol sa mga lugar na nakita mo sa iyong panaginip at kung mayroon kang partikular na alaala ukol dito.

Ang panaginip ukol sa paglalakbay ay nagre-represent din ng landasin tungo sa mga ninanais mong marating at makamit sa iyong buhay. Kabilang na rin dito ang iyong daily routine at ang pagprogreso o pag-unlad mo sa araw-araw. Maaaring nagsasabi rin ang panaginip mo ng hinggil sa pagkokompara sa estado ng buhay ng mga mahihirap o pagiging judgemental. Posible rin na may kaugnayan ito sa pagiging hindi permanente o temporary lang o pagiging mabuway ng ilang bagay na lubhang mahalaga sa iyo o sa mga nasa paligid mo.

Ang electric plug ay simbolo ng energy at power. Ang outlet naman ay nagre-represent ng iyong potential at untapped enegies. Maaari rin namang metaphor ito para sa isang bagay na shocking o kaya naman, ikaw ay naghahanap ng outlet upang mai-express o maipahayag ang iyong raw emotions.

Ang plantsa naman ay nagre-represent ng aksiyon. Maaaring nagsasabi ang ganitong panaginip na, ‘strike while the iron is hot’. Kailangang samantalahin ang mga dumarating na oportunidad habang nandiyan pa.

Kapag nakakita ng explosion o pagputok, ito ay posibleng simbolo ng iyong repressed anger. Ang galit na kinukuyom at tinitimpi ay lumalabas na sa paraang matindi at bayolente. Ang iyong subconscious ay kinukuha ang atensiyon mo. Kaya nararapat na bigyan ito ng pansin, ngunit dapat ding maghinay-hinay sa mga hakbang at aksiyon na gagawin.

Señor H.

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

Krystall herbal products

Produktong Krystall katuwang ng pamilya ng delivery rider sa pag-aalaga ng kalusugan

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong, Ako po si …

DOST NSTW Cagayan de Oro City

DOST brings nat’l science, technology, and innovation week in Cagayan de Oro City

The Department of Science and Technology is set to hold the 2024 National Science, Technology, …

DOST-PCCI innovation hub to boost enterprises’ growth

In a landmark collaboration aimed at bolstering the nation’s innovation and economic growth, the Department …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *