Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Cacai, nagdugo ang puwet dahil sa sobrang kilig sa AlDub!

00 Alam mo na NonieAMINADO ang komedyanang si Cacai Bautista na big fan siya nina Alden Richards at Maine Mendoza. Sobrang kilig daw siya sa tandem ng Aldub, kaya nang nakasama siya sa pelikula ng dalawa na pinamagatang Imagine You & Me ay sobra raw siyang natuwa.

“Noong nalaman ko na may pelikula nga na ganito, sabi ko, ‘Sino kaya? Sandali lang, sino kaya iyon?’ Siyempre na-excite ako assumera ako di ba?

“Naisip ko AlDub! Tapos tuwang-tuwa talaga ko as in ang saya ko tapos, pumunta talaga ko sa simbahan, as in nagpasalamat ako, lagi kasi akong nagpupunta kay Padre Pio,

“Sobrang fan din ako ni Maine eh, si Alden kasi nakakasama ko na iyan sa mga show dati pa,” pahayag ni Cacai sa presscon ng naturang pelikula.

Ikinuwento rin niya na dahil sa sobrang excitement ay gumugo ang kanyang puwet!

“Ako syempre, fan na fan ako ng AlDub. Tsaka napanood ko noong una kayong nagkita roon. Sabi ko nga, ‘yung gumanon si ano, napanood ko iyong araw na iyon,” esplika pa niya with matching body language.

Dagdag pa niya, “Tapos noong nagkita na kayo, tapos may biglang bumagsak na ganoon, natusok yung ano ko, iyong puwet ko sa sobrang excitement. Natanggal kasi iyong pakaw ng hikaw ko, naupuan ko, dumugo sa sobrang saya ko, kasi sobrang fan talaga ako ng AlDub!

“Juskoday, minsan-minsan lang nagkakaroon ng chance sa buhay mo na mapapasama ka sa hindi lang sa Pilipinas sikat, kundi sa ibang bansa din, like sa Asia at iba pa, sobrang saya ko, sobrang grateful ako!”

Ang Imagine You and Me ay showing na sa July 13.  Ito ay na mula sa direksiyon ni Mike Tuviera para sa APT Entertainment, GMA Films, at M-Zet Television, Inc. Bukod kina Maine, Alden at Cacai, tampok din sa pelikula sina Jasmine Curtis-Smith, Cai Cortes, Gerald Napoles, at iba pa.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …