Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Alden at Maine, hatid ang kilig, kiliti at kurot sa Imagine You & Me

00 SHOWBIZ ms mTIYAK na marami na ang nasasabik sa launching movie ng phenomenal loveteam na sina Alden Richards at Maine Mendoza, ang Imagine You & Me.

Binusising mabuti ng creative team ang kuwento ng pelikula kaya naman hindi nakapagtataka na dinala pa ang dalawa sa matulaing lugar ng Como at Verona sa Italy na halos doon ginawa ang kabuuan ng pelikula.

Kaya nang ilabas ang teaser na sinundan ng full trailer ng pelikula sa Eat! Bulaga, matinding kilig, kiliti, at kurot sa puso ang hatid ng bawat eksena. Umaapaw at ramdam ang pag-ibig nina Maine at Alden sa isa’t isa. Napakaganda pa ng hitsura ng tandem sa screen dahil kitang-kita ang tunay na emosyon ng dalawa.

Nagsanib-puwersa ang APT Entertainment, GMA Films, at M-Zet Television, Inc., para gawin ang Imagine You & Me na pinamahalaan ng premyadong director na si Mike Tuviera.

Sa pelikula’y ginagampanan ni Alden si Andrew, isang brokenhearted guy na naninirahan sa Italy. Isa namang overseas worker si Maine bilang si Gara. Hindi naging maganda ang karanasan ni Andrew sa pag-ibig habang hopeless romantic naman si Gara na naghahanap ng magiging Romeo bilang kanyang Mr. Right.

Ang Imagine You & Me ay regalo nina Alden at Maine sa mga nagmamahal nilang tagahanga sa unang taong anibersaryo ngayong Hulyo. Kaya feel and spread the love na hatid ng dalawa na mapapanood na sa Hulyo 16.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …