TUTULONG sa law enforcement operation ng Armed Forces of the Philppines (AFP) ang mga pulis NCRPO na idineploy sa Autonoumous Region in Muslim Mindanao (ARMM) at Police Regional Office-9 (PRO-9) sa western Mindanao.
Paglilinaw ni PNP spokesperson, Senior Supt. Dionardo Carlos. hindi talaga literal na isasabak sa operasyon ang nasabing mga pulis lalo sa pagtugis sa mga bandidong Abu Sayyaf na nag-o-operate sa probinsiya ng Basilan, Sulu at Tawi-Tawi.
Sinabi ni Carlos, ang mga pulis ay supporting units lamang ng AFP sa kanilang operasyon laban sa threat groups.
Habang hindi masabi ni Carlos na maa-assign sa elite force ng Special Action Force (SAF) ang mga pulis Maynila na ipinatapon ni PNP chief, Director Gen. Ronald Dela Rosa sa Mindanao.
Sa kabilang dako, tiniyak ng PNP na mahigpit ang kanilang ugnayan sa militar lalo sa pagpapatupad ng law enforcement operation laban sa bandidong grupo.