MAKARAAN pangalanan ang limang aktibo at retiradong mga heneral na sinasabing mga protector ng drug lords, sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte, kailangan pang dagdagan ang puwersa ng Philippine National Police (PNP).
Bukod daw kasi sa problema sa kriminalidad, sinabi ng Pangulo na seryosong suliranin din ng bansa ang terorismo.
Sinabi ni Pangulong Duterte, nasa 3,000 pa ang kailangang maidagdag sa hanay ng PNP.
Aminado rin ang commander-in-chief na kailangan ng mga equipment para palakasin ang puwersa ng pulisya at sandatahang lakas.
Magugunitang kahit saang pagtitipon, laging sentro ng mga talumpati ni Duterte ang kanyang galit sa ilegal na droga at puspusang kampanya para maaresto, maparusahan at mapatay ang mga nagbebenta ng droga.