Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Panaginip mo, Interpret ko: Kumanta at umulan

Hello po Señor,

Un sa pnginip ko, may kumakanta kapitbahay nmin tapos po ay umlan, bkit po kya ganun? Wag mo n popost cp ko po, salmat, call me Bebz

To Bebz,

Kapag nanaginip na may kumakanta, ito ay may kaugnayan sa happiness, harmony, at joy sa ilang sitwasyon o pakikipagrelasyon. Ang iba ay naia-uplift mo sa iyong positibong ugali at cheerful disposition. Ang pagkanta ay isang paraan din ng pagdiriwang, pakikipag-communicate, pag-akap at pagpapahayag ng damdamin. Kapag naman nakarinig na may kumakanta sa iyong bungang-tulog, ito ay nagsasaad ng emotional at spiritual fulfillment. Ang iyong mood ay nagbabago at nagiging positibo dahil sa pag-angat ng iyong pananaw sa buhay.

Kung ang nakitang kapitbahay sa panaginip ay mabait o mabuti sa iyo, ito ay nagsasaad ng enjoyment and tranquility sa inyong tahanan. Kung ang napanaginipan namang kapitbahay ninyo ay galit o hindi pala-kaibigan, ito ay nagre-represent ng hinggil sa dissension at disappointment. Mayroon kang dapat harapin na kalagayan o bagay sa iyong kapitbahay. Alternatively, ang ganitong uri ng bungang-tulog ay posible rin namang nagsasabi ng pangangailangan sa relocation mula sa inyong tahanan. Maaaring ito rin ay nagsasabi ng pangangailangan ng change of scenery.

Ang panaginip ukol sa rain o ulan ay may kinalaman sa paglilinis mula sa iyong mga suliranin at kaguluhan sa buhay. Ito ay simbolo rin ng fertility at renewal. Alternatively, ang ganitong panaginip ay maaari rin na sagisag ng kapatawaran at biyaya. Subalit, puwede rin namang metaphor ito ng luha, pag-iyak o kalungkutan. Maaari rin na ang kahulugan nito ay ang paglilinis o washing away ng difficult times. Kasama na rin dito ang pagtanggal sa iyong sarili ng old ideas, notions, opinions, at iba pang mga negatibong bagay. Ito’y nagsasabi rin ng ukol sa forgiveness at letting go.

Posible rin namang ang ganitong tema ng panaginip ay kadalasang naririnig natin na laman ng biruan kapag may kumakanta at sinasabihan na baka umulan. Maaaring nakarinig ka nito sa mga ilang araw o ilang linggong nagdaan, kaya nag-manifest ito sa iyong panaginip.

Señor H.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

PCSO MMDA Patient Transport Vehicles PTV

Patient Transport Vehicles (PTVs) inihandog ng PCSO  sa Metro Manila 17 LGUs

LAHAT ng 17 lokal na pamahalaan sa Metro Manila ay nakatanggap ng tig-isang Patient Transport …

Araneta City

Happenings in Araneta City (Dec. 3 to 10, 2025)

We are pleased to share with you the list of events and activities in Araneta …

Pizza Hut Ultimate Cheesy 8 Pizza

The Ultimate Cheesy 8 Pizza is Pizza Hut’s cheesiest creation yet
Made with 8 cheeses, this festive number is bound to be the centerpiece of any celebration

When it comes to the Filipino holiday spread, no other ingredient is as joyful and …

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST Northern Mindanao gathered its valued media partners for the CEST Misamis Oriental Press Conference …