Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Amazing: Pusa at Black bear naging BFF sa California Zoo

TAWAGIN na lamang sila bilang ‘unlikely couple’. Isang ligaw na pusa ang sinasabing naging BFF sa isang lalaking black bear.

Sinabi ng zookeepers sa Folsom, California, ang pusa ay nagkaroon ng hindi ordinaryong kaibigan sa katauhan ng isang 550-pound beast na si Sequoia nang mapagawi sa bear exhibit.

Sa isa sa ilang adorable videos na ini-post ng Folsom City Zoo Sanctuary ay makikita ang itim na pusa, tinawag ng zookeepers na si “Little Bear” habang naghahanap ng pagkain, ilang talampakan lamang ang layo mula sa malaki niyang kasama.

Unang pumasok ang pusa sa bear exhibit upang kainin ang dog food na inilatag para kay Sequoia at sa kasama niyang babae, si Tahoe, na hindi pinansin ng pusa, ayon sa sanctuary officials.

“Once she started coming in here on a regular basis, we started putting food out for her in the morning as well,” pahayag ni senior keeper Jill Faust sa KXTV.

Bagama’t si Sequoia at ang pusa ay hindi talagang naglalaro,  sinabi ni Faust, “they usually stay pretty close.”

“Often when Sequoia takes a hike through the ‘bear forest’ his cat friend walks with him,” pahayag ng zoo sa ABC News. “She rubs against walls and visitors can hear her raspy purr from quite a distance.”

Ilang bisista ang nagpahayag ng pangamba sa nasabing pagkakaibigan, at sinabing maaaring humantong iyon sa trahedya, ayon sa Inside Edition.

Ngunit sa kabila na ang ‘companionship’ ay lumabas lamang sa headlines nitong nakaraang linggo, ang dalawa ay ilang buwan nang magkaibigan.

Patunay na kapwa sila nag-e-enjoy na sila ay magkasama. (THE HUFFINGTON POST)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Wish Upon a NUSTAR

NUSTAR Online inilunsad ang Wish Upon a NUSTAR

SA buong taong 2025, itinaguyod ng NUSTAR Online ang kahusayan ng mga Filipino sa pamamagitan ng maayos …

AHOF SM MoA NYE Kapuso countdown to 2026

AHOF leads SM Mall of Asia’s epic NYE Kapuso countdown to 2026

SM Mall of Asia delivers one of the country’s most anticipated year-end spectacles as it …

Purple Hearts Foundation Love Kryzl

Purple Hearts Foundation naghatid- saya sa Year-End Gift-Giving Outreach sa mga karatig-barangay

MATAGUMPAY na naisagawa ng Purple Hearts Foundation sa Kryzl Farmland ang Purple Hearts Foundation Gives Back, year-end outreach …

SM LRTA

SM, LRTA ink MOA for SM City Masinag-LRT-2 Antipolo Station Interconnection Access Bridge

  Light Railway Transit Authority and SM Prime Holdings seals the deal of a Memorandum …

SM MMDA

SM Supermalls and MMDA Launch Smart Mobility and Traffic Information Sharing Project at SM Megamall

SM Supermalls Senior Assistant Vice President, Regional Operations Head, Christian V. Mathay and MMDA Chairman …