Saturday , November 16 2024

Pulis na papatay kay Erap isasalang sa neuro/psycho exam

NEGATIBO sa drug test ang pulis na nag-amok sa loob ng Manila Police District (MPD) headquarters.

Ayon kay Chief Insp. Arsenio Riparip, hepe ng MPD general assignment section, walang traces ng droga sa ginawang test ngunit mahaharap pa rin sa ibang pagsusuri ang nagwalang si PO1 Vincent Paul Solarez.

Matatandaan, nagpaputok ng baril ang nasabing Manila policeman at binasag din ang mga gamit sa loob ng MPD headquarters.

Ayon kay Riparip, isasailalim si Solarez sa neuro psychiatric exam sa susunod na mga araw.

Kahapon ng umaga, nakitaan ng problema ang nag-amok na pulis dahil maging ang ina at dumalaw na girlfriend ay sinisigawan niya.

Nabatid na dalawang linggo pa lang na nakatalaga si Solarez sa MPD bago nangyari ang kanyang pag-aamok.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *