Sa kabilang banda, sinabi rin ni Pokwang na hindi pa rin siya makapaniwalang wala na ang kaibigan nilang director. ”Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala. Wala na kasi ‘yung nangungulit, nagbibigay ng advise. Kasi sa Facebook tutok ‘yan eh. Kapag may ipino-post ako, nagtatanong agad ‘yan. Siya ‘yung unang nagre-react.”
Iginiit din ni Pokwang na sobrang nami-mis niya ang kaibigang director at ikinuwentong noon pa siya nanghihingi ng kopya ng Direk 2 Da Poynt.
“Noong birthday niya hinihingan ko na siya ng autograph pero sabi niya ‘ano ka ba iaano na natin, hintayin na ang launching para sabay-sabay na. Naku ayun di na inabot, kalorky,” sambit pa ng komedyana na abala sa pagtatapos ng kanilang afternoon series ni Melai Cantiveros, ang We Will Survive sa ABS-CBN2.
Ani Pokwang, nalulungkot sila na matatapos na ang We Will Survive dahil magkakahiwalay sila ni Melai. ”Pero tuloy pa rin ang communication namin. May usapan kami na tuwing weekend pupunta siya sa bahay para mag-bonding. Noon pa naman tuwang-tuwa na ako sa kanya, iisa kasi ang hulmahan namin,” natatawang kuwento pa ni Pokwang.
Natanong si Pokwang ukol sa kasal at pagkakaroon nila ng anak ng kanyang American boyfriend na si Lee O’Brien, at sinabi nitong, ”’Wag muna kasi may bagong project na paparating. Teleserye. Wag muna po, bata pa wow! Hahaha.”
Bakit, hindi ba kayang pagsabayin?
“Ako naman kung ano lang ‘yung ano bahala na Siya. Kung mabiyayaan (anak), buhay ‘yun, gift ‘yun, aalaaan ko ng bonggang-bongga, pero as much as possible siyempre, gusto ko munang makita ang anak ko na magtapos, ganoon.”
At ukol sa planong pagpapakasal, sinabi nitong, ”Andoon na kami sa mga tsururut, preparations,” hirit nito. ”Magmi-meet na nga with the parents sa August. Pupunta kami sa Napa Valley ganoon,” giit pa niya na isasabay na raw nila ni O’Brien ‘pag nagpunta sila sa Agosto sa America para sa show nila roon nina Chocolate, Pooh, at K Brosas.
“May bakante kaming tatlong araw, gogora na kami roon sa parents niya,”masayang pagbabalita ni Pokwang.
Samantala, ang Direk 2 Da Poynt ay ang labor of love for two full years at ang last project na ginawa ni Direk Wenn bago siya pumanaw noong Pebrero.
“Buong buhay ko ang nasa libro. Lahat ng mga hindi nila alam,” sambit ni Direk Wenn sa isang interbyu sa kanya last year. “Lahat ng mga haka-haka nila tungkol sa akin. Pati lovelife, ibinigay ko,” aniya pa.
Ang 153 page na libro ay naglalahad ng istorya ni Direk Wenn mula nang mahirap pa siya hanggang sa yumaman, ukol din sa kanyang childhood sa pagiging single parent gayundin sa pagiging waiter at struggle sa ABS-CBN hanggang sa pagiging top box-office director.
“’Pag nabasa mo ‘yong libro, iiyak ka, tatawa ka…Basta ibinigay ko kung ano ‘yung pwede kong maitulong sa mga katulad ko na gustong may mapuntahan din. Very inspiring ‘yung libro ko,” giit pa ng director.
Mabibili na ang Direk 2 Da Poynt sa National Bookstore at Powerbooks branches nationwide.
SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio