SOBRANG naaliw ang audience sa kabaliwan at kaaliwang dinala nina Kiray Celis at Enchong Dee sa dumagsang nanood ng premiere night ngI Love You To Death noong July 1 sa Cinema 7 ng SM Megamall.
Wagas na wagas patawa at katatakutang ip[inakita sa movie ng Comedy Princess at Tsinito Prince mula sa simula hanggang sa wakas.
Sa bawat labas nga ni Enchong at sa bawat lampungan nila ni Kiray, asahan ang bumubulwak na sigawan, tili, at hiyawan ng crowd na nagsiksikan sa sinehan. Swak na swak ang chemistry ng dalawa sa totoo lang.
Ayon kay Enchong, super natuwa siya sa kinalabasan ng movie. ”I think this is the perfect movie for my 10th film for my 10th anniversary. Nawalang lahat ang kaba ko nang mapanood ko ang pelikula,” ani Enchong.
Wala ring pagsidlan ng galak ang aktor sa performance ni Kiray. ”No wonder, she’s being called the Comedy Princess. She lived up to the expectation dahil ang galing niya,” sambit pa ni Enchong.
“Masaya ako. Hindi namin ini-expect na ganoon kagaling si Miko (Lilvelo, the director). Lagi namin siyang inaasar. ‘Galingan mo, huh! Gandahan mo ito. Ayusin mo ito.’ Kasi parang magkakabarkda lang kami. Ang galing. Sobrang talino ni Miko.
“Ginawa namin ‘yung movie na ‘yon na parang lokohan lang. Tapos nagagalit pa kami kapag paulit-ulit. Pero maganda ang pagkakabuo,”sambit naman ni Kiray.
Aminado si Kiray na kinilig-kilig siya sa mga eksena nila ni Enchong. Hindi rin niya ipinagkaila ang naramdamang chemistry nila ng aktor.
Pero sa totoo lang, walang inhibitions ang Chong-Ki loveteam sa kanilang lampungan at halikan. Maging sa mall shows na pinuntahan daw ng dalawa, walang arte sa pagpapaligaya sa mga mall goer dahil todo bigay din sila sa kanilang harutan sa stage.
After ng premiere night ng I Love You To Death, kitang-kita ang saya kinaMother Lily at Roselle Monteverde na aminadong bumilib sa ipinamalas na galing ni Miko Lilvelo, ang direktor. Paano’y bago at fresh ang idea na ibinigay sa pelikula gayundin ang camera movements na plantsado. At ang mahalaga sa lahat alam niya ang kiliti ng masa.
Kahit nga ang horror scenes ay nakabibilib. Hindi kasi predictable gaya ng ibang horror films. Tapos, magagaling pa ang suportang ipinamalas ninaDevon Seron, Michelle Vito, Trina Legaspi, Shine Kuk, Paolo Gumabao, Christian Bables, Dino Pastra, at Nico Nicolas.
Sa bumubuo ng I Love You To Death, congratulations.
Mapapanood na sa Hulyo 6 ang I Love You To Death. Humanda sa walang humpay na sigaw, tili, at pag-ibig mula sa Comedy Princess at Tsinito Prince!
SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio