Sunday , December 22 2024

‘Negosyo’ nina Recto at Buboy tambayan ng mga tulak

BAGAMA’T masasabing hindi pa tuluyang nasusugpo ang talamak na pagkakalat ng droga sa bansa, dama na ng nakararami ang pagbabago hinggil sa kampanya ng Philippine National Police (PNP) laban sa droga.

Marami nang napapatay na tulak na kinabibilangan ng most wanted drug pushers, dealers, at marami-rami na rin sumukong drug users na takot matulad sa mga napapatay.

Anyway, napatay iyong mga tulak dahil nanlaban sa mga pulis.

Ang kampanya batay sa direktiba ni Director General Ronald “Bato” Dela Rosa, PNP Chief, dapat sa loob ng tatlong buwan, 50 porsiyento ang mabawas sa problema sa droga.

Ayon sa ama ng pambansang pulisya, ang hindi magbibigay ng trabaho sa loob ng tatlong buwan ay may paglalagyan.

Maaaring masibak sa posisyon at malamang maging ‘navy status’ sa buong panahon ng administrasyon ni Bato. Kaya hindi uubra ang mga inutil na opisyal ngayon. Kailangan isakripisyo nila ang lahat kundi…

Siyempre, dahil sa magagandang resulta ng kauumpisang kampanya ni Bato.

Sir, saludo po ang bayan, maging ang inyong lingkod sa inyong sinseridad. Natatanging kayo lang ang Chief PNP na nakagagawa nito.

‘Ika ng nakakausap nating mga magulang, ang mga ganitong uri ng salot (tulak) ay nararapat mawals sa mundo. Sana matiyak nang mabuti na positibo ang lahat para walang madamay na inosente.

Higit din sa lahat, saludo tayo sa ating mahal na Pangulong Digong Duterte.

***

Kapansin-pansin na karamihan sa mga sinalakay na pinagkukutaan ng mga napapatay at naaarestong pusher at user ay sa squatters’ area. Aba’y dapat lang siguro na salakayin ng mga operatiba ang paboritong tambayan ng mga tulak kung saan makikita din ang kanilang mga kustomer. Namumugad ang mga puser/user sa mga lugar na may nakapuwestong video karera at fruit games.

Tulad sa Camanava area, nagiging paboritong tambayan ng mga adik – tulak at user ang mga lugar kung saan nakapuwesto ang mga video karera nina Buboy (sa Malabon) at Recto (sa Malabon City, Caloocan City at Valenzuela City).

Paboritong tambayan ng mga adik (na nakabatak) ang lugar nina Buboy at Recto dahil ang mga makina ay kanilang ginagawang libangan hanggang mag-umaga.

PNP chief, hindi po ito lingid sa kaalaman ng mga hepe ng Malabon Police, Caloocan Police, Valenzuela Police.  Kaya, kung gusto talagang linisin ng mga hepe ng pulisya ang kanilang teritoryo ay napakadali lang.

In fairness, sa bagong talagang District Director ng Northern Police District (NPD) na si S/Supt. Roberto Fajardo, bigyan muna natin siya ng space… at ‘pag makarating na sa kanya ang impormasyon, malamang ‘paktay’ ang ilegal na negosyo nina Recto at Buboy.

***

Sa Quezon City naman, ay sus nagkalat ang VK ng mga scalawag na pulis sa Barangay Tatalon. Ano ba ‘yan Supt. Christian DelaCruz?!

AKSYON AGAD – Almar Danguilan

About Almar Danguilan

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *