Thursday , December 26 2024

Lloydie at Teri, wagi sa NYAFF

‘THE Philippine’s biggest star!’ Ganito kung ilarawan ng New York Asian Film Festival sa kanilang official Facebook page ang actor na si John Lloyd Cruz na tumanggap ng Star Asia award dahil sa kanyang magaling na pagganap sa Honor Thy Father ni Erik Matti.

Si Cruz ang kauna-unahang Filipino at Southeast Asian actor na tumanggap ng award mula sa NYAFF na ginanap noong Linggo sa US.

Bukod kay Cruz, binigyang pagkilala rin bilang Star Asia awardees sina Miriam Yeung ng Hong Kong at Lee Byung-hun ng South Korea.

Binigyang pagkilala rin bilang Screen International Rising Star Asia Award si Teri Malvar mula sa kanyang pagganap sa pelikulang Hamog.

Pagkatapos sa NYAFF, muling nagdala ng karangalan sa bansa sa international scene si Malvar nang mapalanunan ang Best Actress award sa Moscow International Film Festival sa Russia. Si Malvar ang kauna-unahang Pinoy na nakatanggap ng award sa nasabing patimpalak.

Ang Hamog ay idinirehe ni Ralston Jover, na kamakailan ay nanalo rin ng Outstanding Artistic Achievement Golden Goblet award sa 2016 Shanghai International Film Festival.

About hataw tabloid

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *