Saturday , November 16 2024

Koko, tiyak na magiging Senate President — Lacson

TINIYAK ng bagong halal na si Senador Panfilo Lacson na sapat ang bilang ni Senador Aquilino Pimentel III para maluklok bilang bagong Senate President sa Hulyo 25 sa pagbubukas ng Kongreso.

Sa panayam ng DZBB, inilinaw ni Lacson na kahit ano ang gawing ‘pailalim na panliligaw’ ng talunang bise presidente na si Allan Peter Cayetano ay malinaw na may 17 boto na si Pimentel.

“Mawawala ang respeto naming mga senador na nagsilagda sa resolusyon para maging bagong Senate President si Pimentel at babaligtad para  iboto si Cayetano,” ani Lacson. “Hindi rin kami naniniwala sa ipinamamalita ni Cayetano na siya ang ‘chosen one’ ni Pangulong Duterte.”

Kasama ang kanyang boto, may 17 senador na maghahalal kay Pimentel kahit nagyayabang si Cayetano na may sapat na bilang pero walang mabanggit na mga pangalang senador.

Kaugnay nito, patuloy na pinalalakas ni Pimentel ang PDP-Laban sa ginagawang mga seminar sa tungkol sa Federalismo gayundin sa kanilang ideolohiya sa gustong lumahok sa partidong nagpanalo kay Duterte.

Ayon kina PDP-Laban Policy Study Group (PSG) head Jose Antonio Goitia at PDP-Laban National Capitol Region Council President Abbin Dalhani,  nagsagawa ng konsultasyon at seminar ang PDP-Laban nitong Sabado sa Rodriguez (dating Montalban), Rizal upang ipaunawa sa mamamayan na ang isinusulong ni Pimentel na Federalismo ay isang hakbang patungo sa demokratisasyon at higit pang partisipasyon ng taumbayan.

“Kaya umaasa tayo na ang sistemang federal ay makatutugon sa mga pangangailangan ng mahihirap sa probinsiya at mawawakasan na rin ang marami nang dekadang armadong pakikibaka ng mga sesesyonista at  iba pang puwersa sa pagbabawas ng kapangyarihan at mahahalagang pondo sa Imperyalistang Maynila,” dagdag nina Goitia at Dalhani.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *