Wednesday , May 14 2025

Golovkin vs Alvarez ‘di mangyayari

ISANG malaking katanungan ngayon sa sirkulo ng boksing kung magkakaroon nga ba ng realisasyon ang bakbakang Gennady Golovkin at Canelo Alvarez?

Sa isang panayam kay dating middleweight boxing champion Sergio Martinez, walang kagatul-gatol ang kasagutan nito na hindi mangyayari ang nasabing dream fight sa pagitan nina Golovkin at Alvarez sa dekadong ito.

Sa isang interbiyu ng FightHub, tinanong si Martinez tungkol sa boluntaryong pagkakawala kay Canelo ng kanyang middleweight championship na magiging tulay para matuloy ang laban.

“I don’t know why he [vacated the title],” pahayag ni Martinez. “But I can tell you that the fight will never happen. For the very least it won’t happen in the next 4-5 years. It won’t happen because it’s not convenient for Golden Boy.”

Pagkatapos na magiba ni Canelo si Amir Khan noong May, binigyan ng deadline ng boxing body ng 15 days sina Alvarez at Golden Boy Promotions para makipag-negosasyon sa kampo ni Golovkin, at kung hindi mangyayari iyon ay tatanggalan ng titulo si Canelo at si GGG ang iluluklok na kampeon.

Binakante ni Canelo ang belt at nagpahayag ang kanyang promoter na si Oscar De La Hoya na,  ”they won’t negotiate under a forced deadline.”

Bagama’t tinatanaw ng boxing fans na naduwag ang kampo ni Canelo, naniniwala si Martinez na hindi ganoon ang sitwasyon.   Masyadong lang protektado ng kanyang promoter ang kanyang boksingero.

“I feel boxers do want to fight each other,” pahayag ni Martinez . “But what happens is promoters want to protect their boxers, and that’s logical. It seems logical to me.”

About hataw tabloid

Check Also

Shaunna Polley Olivia Macdonald Volleyball World Beach Pro Tour Futures Nuvali

Kiwis, kampeon muli sa BPT Futures Nuvali para sa ikalawang sunod na gintong medalya

NAKAMIT nina Shaunna Polley at Olivia Macdonald ng New Zealand ang kanilang ikalawang titulo sa …

Alyana Nicolas pole vault ICTSI Philippine Athletics Championships

Nicolas, matagumpay na naipanalo muli ang women’s pole vault title sa ICTSI PH meet

CAPAS, Tarlac – Muling pinatunayan ng Fil-Am na si Alyana Nicolas ang kanyang pagiging nangungunang …

Pia Cayetano Padel Pilipinas

Pia Cayetano nais palaguin ang Padel sa buong bansa

TULOY-TULOY ang suporta ni Senador Pia Cayetano para sa mga national coach at atleta ng …

Florentino Inumerable

Florentino Inumerable, kampeon sa 2025 Illinois Senior State Chess Championships

HINDI lang nagwagi kundi kampeon ang beterano at United States chess master na si Florentino …

Darell Johnson Bada Yukiho Okuma NTT Asia Triathlon Cup sa Subic

Nangibabaw sina Bada ng PH at Okuma ng Japan sa elite junior sa Subic International Triathlon

OLONGAPO City, Zambales – Nakopo ng Pinoy na si Darell Johnson Bada ang kampeonato sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *