Monday , December 23 2024

Duterte ‘di dapat makialam sa Senado — Lacson

SA mainit na labanan sa Senate Presidency sa pagitan nina Sen. Koko Pimentel at Sen. Alan Peter Cayetano, muling iginiit ni Sen. Panfilo Lacson na huwag makialam sa usapin ng Senate leadership si Pangulong Rodrigo Duterte.

“President Duterte should not interfere with Senate affairs,” pahayag ni Lacson.

Si Lacson ay una nang nagpahayag na ang Senado ay hindi isang city council kaya kahit pangulo man ng bansa si Duterte ay hindi siya dapat makialam.

Ipinaliwanag ni Lacson, ang hindi niya pagsuporta kay Cayetano ay dahil na rin sa mga inihaing kondisyon bago makasama sa mayorya at makakuha ng mga komite ngunit katwiran ng kampo ni Cayetano, ang ginagawang kondisyon ay bilang proteksiyon din mismo kay Pangulong Duterte.

“Cayetano was simply protecting Duterte and his legislative agenda by ensuring that the Senate’s committees are organized in a manner that will be conducive to the fulfillment of the new government’s promise of real change,” pahayag ng kampo ni Cayetano.

Nabatid, ang pagbibigay ni Pimentel ng Committee on Public Order kay Lacson at Committee on Justice and Human Rights kay Sen. Leila de Lima ay hindi nagustuhan ni Pangulong Duterte.

Sinasabing hindi rin siya pabor sa pagsali sa super majority ng mga senador mula sa ibang partido na ang kapalit ay pagsungkit sa makapangyarihang committee chairmanship.

Matatandaan, una nang sinabi ni Cayetano, duda siya sa super majority ni Pimentel lalo at hindi ‘supportive’ ang mga senador na umanib kay Pangulong Duterte bagkus ang habol lamang ay committee chairmanship.

Inihalimbawa pa niyang sinabi ni Lacson na duda siyang magtatagumpay ang crime and illegal drugs campaign ng bagong administrasyon, habang si De Lima ay tinaguriang ‘monster’ si Duterte na dapat mapigilan sa mararahas na aksiyon.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *