Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ai Ai, naiyak sa launching ng Direk 2 Da Poynt

00 SHOWBIZ ms mSTAR-STUDDED ang ginawang paglulunsad sa libro ng namayapang si Direk Wenn Deramas, ang Direk 2 Da Poynt na inilimbag ng VRJ Books, ang publishing label ng Viva Communications Inc., na mabibili na ngayon. Hindi naiwasang maging emosyonal ng mga dumalong kaibigan ng director.

Isa na si Ai Ai delas Alas na hindi napigilang hindi maiyak nang ilahad ang mga pinagdaanan nila ni Direk Deramas. ”Hindi ako makapaniwala na wala na siya. Alam naman niya kung gaano ko siya ka-love. Kung nasaan ka man, alam mong mahal kita,” ani Delas Alas.

Matagal nagkatrabaho sina Delas Alas at Deramas na nagsimula noong 2003 sa Ang Tanging Ina.

“Marami kasi akong gustong sabihin pero hindi ko alam kung paano ko sasabihin, paano ko tatapusin. Basta iyon pagmamahal ko na lang sa kanya, pagiging magkaibigan namin ang nasabi ko,” sambit ni Delas Alas nang tanungin siya ng abs-cbn news.com ang dahilan ng kanyang pag-iyak.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …