Saturday , November 23 2024

A Dyok A Day: Hindi kumakain ng mga hayop sa gubat

ISANG lalaki ang naglalakad sa kakahuyan pero huli na nang namalayan niyang siya ay naliligaw.

Sa loob ng dalawang araw wala siyang ginawa kundi ang umikot nang umikot para hanapin kung nasaan ang daan palabas sa kakahuyan.

Sa panahong iyon ay walang kinakain o iniinom man lang hanggang abutin nang ma-tinding gutom ang lalaki.

Sa isang batuhan, nakita niya ang isang Agi-la. Pinatay niya ito saka inumpisahang kainin.

Nasa ganoon siyang kalagayan nang ma-tagpuan siya ng dalawang park rangers, agad siyang inaresto dahil sa pagpatay ng isang uri ng hayop na unti-unti nang nauubos.

Sa hukuman, sinabi ng lalaki na inosente siya sa kasong isinampa laban sa kanya.         Aniya, hindi siya kumakain ng mga hayop na ipinagbabawal galawin. Noon lang niya nagawa iyon at kung hindi niya kinain ang Agila, baka siya ay namatay sa gutom.

Nagdesisyon ang hukom pabor sa akusado.

Sa kanyang pagtatapos, inutusan niya ang lalaki,

“Bago kita pawalan nang tuluyan, may gusto akong sabihin mo sa akin. Hindi pa ako nakakakain ng Agila sa aking tanang buhay at wala akong plano na kumain. Puwede mo bang sabihin sa akin kung ano ang lasa nito?”

“You Honor, napakasarap, parang pinagsamang tagak at kuwagong gubat.”

Huli!

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

Krystall herbal products

Produktong Krystall katuwang ng pamilya ng delivery rider sa pag-aalaga ng kalusugan

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong, Ako po si …

DOST NSTW Cagayan de Oro City

DOST brings nat’l science, technology, and innovation week in Cagayan de Oro City

The Department of Science and Technology is set to hold the 2024 National Science, Technology, …

DOST-PCCI innovation hub to boost enterprises’ growth

In a landmark collaboration aimed at bolstering the nation’s innovation and economic growth, the Department …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *