Thursday , January 9 2025

Panaginip mo, Interpret ko: Tindahan at artista (2)

Kapag nanaginip ng wood o kahoy, ito ay maaaring nagsa-suggest na pakiwari mo ay wala kang pakiramdam at ikaw ay parang makina. Nagsasabi rin ito na hindi ka nag-iisip nang mabuti o nang kompleto. Alternatively, maaaring ito ay isang ‘pun’ ng may kaugnayan sa sexual arousal. Kung natanggal o nawala ang kahoy sa panaginip mo, maaaring nagsasabi ito nang pagkabawas sa iyong sexual activities.

Ang tinapay naman na nakita sa panaginip ay may kaugnayan sa mga basic na pangangailangan sa buhay. Ito ay maaaring nagsasaad din ng mga positive qualities at ng mga magagandang bagay na natutunan mo sa iyong paglalakbay sa buhay. Alternatively, ito ay maaaring paalala rin na dapat kang mas magsikap lalo na sa mga sitwasyon na kailangang-kailangan mo para sa iyong sariling kaunlaran at kinabukasan.

Kapag ikaw ay nakakita ng gitara sa panaginip, ito ay nagre-represent ng ukol sa passion at emotion. Ito ay maaaring may kaugnayan din sa sexual connotations at posibleng maging hudyat ng ukol sa erotic or sensual dream. Kapag naman ang gitara ay sira o naalis ang strings, posibleng ito ay may kaugnayan sa disappointment sa pag-ibig.

Kapag naman nanaginip ng hinggil sa artista, ito ay posibleng nagre-represent ng nais na paghahanap sa kaligayahan at libangan o pleasure. Ang iyong paghanga sa ilang partikular na celebrity o mga artista ay maaaring magbunsod ng pagkakakuha ng ilan sa kanilang mga physical o personality traits. Dapat ding tignan o ikonsidera ang mga artistang ito, lalo na ang mga characteristics nila na maaaring ma-associate mo sa iyong sariling personalidad. Posible kasing ang mga characteristics na ito ay katulad ng mga bagay na dapat mong kilalanin o i-incorporate sa iyong sarili. Maaaring may kaugnayan din sa iyo ang mga papel o role na ginagampanan ng mga artistang nakita mo sa iyong panaginip. Kahit hindi mo kilala talaga ng personal ang mga sikat na artistang nakita sa panaginip mo, ang mga papel nilang ginagampanan na napapanood mo o ang pananaw at pagtingin mo sa kanilang pagkatao ay maaaring magbigay sa iyo ng clue o pang-unawa sa koneksiyon sa iyo ng bungang-tulog mo. Sa kabilang banda, maaaring bunga lang ng napanood mo sa TV o pelikula o kaya ay nabasa mong istorya sa mga artista sa tabloid o showbiz magazine kaya pumasok sila sa iyong panaginip. Kung ganito nga ang kaso, wala talagang significant na kahulugan sa iyo ang mga artistang ito at incidental lang ang pagkakapasok nila sa iyong bungang-tulog.

Señor H.

About hataw tabloid

Check Also

Researchers eye more partners to test hand-writing tool research

Researchers eye more partners to test hand-writing tool research

By Claire Bernadette A. Mondares, DOST-STII Local researchers have developed a handwriting assessment tool, are …

Year End 2024 RTEC Meeting cum SETUP iFund Awarding Ceremony Showcases Progress and Innovation

Year End 2024 RTEC Meeting cum SETUP iFund Awarding Ceremony Showcases Progress and Innovation

The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 concluded 2024 on a high note …

2024 SETUP PRAISE Awards Recognize Excellence in MSMEs Across Region 1

2024 SETUP PRAISE Awards Recognize Excellence in MSMEs Across Region 1

The Department of Science and Technology (DOST) Regional Office 1 recognized the 2024 SETUP PRAISE …

Lipa students learn science storytelling basics

Lipa students learn science storytelling basics

By Ryan Spencer P. Secadron, DOST-STII “Effective storytelling is key to science writing,” this was …

Playtime celebrates milestone year with media thanksgiving event

Playtime celebrates milestone year with media thanksgiving event

PlayTime, the fastest-growing online entertainment games platform in the Philippines, announced its milestones at the …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *