POSIBLENG pumasok sa Martes sa Philippine area of responsibility (PAR) ang low-pressure area na maaaring mabuong tropical cyclone.
Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa), huling namataan ang LPA sa Pacific sa layong 1,870 kilometers east ng Mindanao.
Ngunit ayon kay weather forecaster Glaiza Escullar, maliit lamang ang tsansa na tumama sa kalupaan ang weather system.
Gayonman, maaari nitong pag-ibayuhin ang southwest monsoon na magdadala ng pag-ulan sa malaking bahagi ng Luzon at Visayas simula Miyerkoles hanggang Biyernes.
Kapag naging cyclone ang LPA at nakapasok sa PAR, ay papangalanan itong Butchoy, ayon sa Pagasa.