Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kiray, pinatunayang siya ang Comedy Princess sa I Love You To Death

00 Alam mo na NonieDINUMOG ng manonood ang premiere night ng pelikulang I Love You To Death ng Regal Entertainment at The IdeaFirst Company na pag-aari nina Direk Perci Intalan at Jun Lana. Kaya naman sobrang happy ang mga bida rito na sina Enchong Dee at Kiray Celis, na sobrang kuwela sa pelikula. Napuno nang tilian, tawanan, at kilig ang sinehan na hanggang sa aisle at hagdanan ay punong-puno ng viewers.

“Nakakatuwa iyong mga tao sa reaction nila sa movie namin,” saad niya. Dagdag pa ni Kiray, “Lahat ng blessings na dumarating sa akin, feeling ko, time ko lagi. Kaya every blessings counts talaga.”

Sinabi rin ni Kiray na may pressure sa kanya ang bansagang Comedy Princess, pero lalo na kung tatawagin daw siyang Comedy Queen.

Puwede kang bansagan ngayon bilang Horror-RomCom Queen, okay ba iyon sa kanya? “Puwede, why not, why not? At least, mag-isa lang ako roon,” nakangiting sagot niya.

Ukol naman sa intimate scenes nila ni Enchong, sinabi niyang normal na eksena lang iyon na kailangang gawin. “Wala naman akong pinipili at saka in a good way naman ‘yung naglalambingan kami, hindi iyon kalandian lang.

“Sino ba namang artista ang papayag na magmukhang bastos sa isang eksena, di ba? Wala naman eh, so as much as possible, kapag okay naman, go,” saad pa ni Kiray na idinagdag pang grabe raw humalik si Enchong.

Sa July 6 na ang showing ng I Love You To Death na tinatampukan din nina Janice de Belen, Trina Legaspi, Michelle Vito, Betong Sumaya, Devon Seron, Paolo Gumabao, at iba pa. Ito’y mula sa pamamahala ni Direk Miko Livelo.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …